PARA MAGING SELF SUFFICIENT TULAD NI MAYOR BONA
Ni Mortz C. Ortigoza, MPA
MANGALDAN, Pangasinan – Pinangakuan ng dating
kongreswoman ang mga bagong kasal na mga
misis sa naganap kailan lang na mass wedding dito ng mga trabaho.
Ginawang halimbawa ng dating anim na taong mambabatas ng bansa si Mayor Bona Fe D. Parayno na hindi lahat inaasa ang lahat na pangangailangan pinansyal sa kaniyang kabiyak.
![]() |
MASS WEDDING
officiating officer, sponsors, guests and the 45 newly wedded couples in
Mangaldan, Pangasinan flashed the love sign on their fingers for all and sundry
to see. Main sponsors of the wedlock are former Pangasinan 4th
District Cong. Gina de Venecia and Mayor Bona Fe D. Parayno. The latter is the
solemnizing officer of the Valentine’s Day wedding held at the Mangaldan Public
Auditorium.
“Si Mayor
(Bona Fe D. Parayno) all her life nagtatrabaho siya. Hindi rin siya umaasa sa
mister, di ba?!” ani dating Pangasinan 4th District Cong. Gina “Manay”
de Venecia na maybahay ni dating five –time Speaker Joe de Venecia.
Merong 45 na magkabiyak na ikinasal dito si Mayor
Bona noong hapon ng Valentine’s Day sa Mangaldan Public Auditorium kung saan
siya at si De Venecia ay tumayong main sponsor o ninang.
Ani Manay Gina, isasanay ang mga bagong misis sa Technical
Education and Skills Development Authority (TESDA) para sila ay maging “self-sufficient”
at hindi na lahat ng mga pangangailangan sa tahanan ay iaasa na lang nila sa
mga mister nila.
“After one
year, two-year meron na kayong hanapbuhay. Papasalamat kayo kay Manay Gina at
tinulungan kayo kung paano magkaroon ng hanapbuhay”, sambit ng anak ng
may-ari ng sikat na Sampaguita Pictures na si Dr. Jose Roxas Perez at Azucena
Vera-Perez at apo ni Senator José
Olfinas Vera.
Si Manay Gina ay tumatakbong congressional candidate
ngayong Mayo eleksyon kapalit ng anak niyang si outgoing Cong. Christopher “Toff”
de Venecia na patapos nang mabuo ang siyam na taong termino na utos ng batas sa
isang lungsod at apat na bayan na distrito.
Pinangunahan naman ni Mayor Bona ang pagbati at
pagkanta ng maligayang kaarawan para kay Manay Gina kasama ang mga ikinasal.
Payo naman ni Mayor Parayno sa mga asawang lalake na
ibigay ang 3S sa kanilang mga misis. Ito ay ang (make her) Smile, (make her)
Strong at (give her) Support para sa kanilang maayos at masayang pagsasama.
Aniya, “find a
heart that will love you at your worst and arms that will hug you at your
lowest.”
Matapos selyohan ng halik ang kanilang pagmamahalan ay tumanggap ng regalo ang mga bagong kasal mula sa alkalde at dating mambabatas national.