| Pangasinan Governor Ramon "Monmon" Guico III at Calasiao Mayor Kevin Roy Macanlalay. |
Friday, December 20, 2024
Guico, Macanlalay Admin Panalo sa 2024 Gawad Kalasag
Wednesday, December 11, 2024
Bona sa mga Kritiko: Walang Ghost Workers, Anomaly sa mga Gamot
Ni Mortz C. Ortigoza
MANGALDAN, Pangasinan – Binira ng
babaeng alkalde dito ang mga kritikong bumabanat sa kanya kahit wala silang mga
basehan.
Matapang na hinamon ni Mayor Bona Fe D. Parayno ang mga detraktors niya na nagtatago sa mga pekeng account sa social media kung meron siyang pinapanatiling mga ghost employees at wala nang mga gamot sa rural health unit (RHU).
![]() |
“Sabi
nila may mga ghost employee so bakit hindi nila bisitahin ang Human Resource
Management Office na may records doon. Pumunta sila doon kaysa maniwala sa mga
naririnig nila,” mariin niyang binanggit.
Marubdob din niyang
pinasisinungalingan ang mga kritiko na nagpapakalat na wala na daw mga gamot sa
RHU para sa mga dahop dito.
“Tanungin
ninyo ang mga doctors (doon sa RHU) dahil may mga records doon,” sambit ni
mayora.
Dagdag pa niya na mahigit P12
million ang mga biniling gamot, bitamina, laboratory supplies, at mga
kagamitang medikal para sa RHU ngayong 2024.
Noong State of the Municipal
Address (SOMA) niya noong Nobyembre 30, 2024 sa Municipal Public Auditorium
alinsabay sa pagdiriwang ng kanyang ika-65 na kaarawan, pinasalamatan muli ni
Mayor Parayno ang mga botanteng nagluklok sa kanya noong May 9, 2022 eleksyon
matapos makuha niya ang 28, 466 na mga boto laban sa dalawa niyang katungali na
nakakuha lamang ng 18, 276 at 11, 948 bawat isa.
Sentro ng kanyang talumpati sa SOMA
ay ang kalagayan ng primerong klaseng bayan at isa sa pinaka progresibo sa
Pangasinan sa mga naisulong na niyang programa at proyekto sa loob ng isang
taon at ang mga nakinbinbin at gagawin pa niyang mga plano sa susunod na taon.
Napipintong maglalaban si Parayno
at Vice Mayor Mark Stephen Mejia at dating alkalde Marilyn Lambino para sa
pagka alkalde dito sa Mayo 12, 2025 eleksyon.
Sunday, December 8, 2024
Arsenal of Toppled Syrian Regime Shames our PAF
By Mortz C. Ortigoza
Friday, December 6, 2024
Mga Bagong 1st, 2nd, 3rd Class Towns sa P’sinan
Ni Mortz C. Ortigoza
DAGUPAN CITY – Dalawanpu’t-apat (24) na mga bayan sa Pangasinan ang pina-angat sa reclassification ng Department of Finance (DoF) sa first, second, third, at fourth classes sa utos ni Secretary Ralp Recto dahil sa paglubo ng kanilang mga kita sa huling tatlong taon bago ang muling pag-uuri ngayong 2024.
|
CHIEF EXECUTIVES of newly reclassified towns in Pangasinan: (From top
left and clockwise) Tayug Mayor Tyrone Agabas, Urbiztondo Mayor Modesto M.
Operania, Basista Mayor Jolly “J.R” Resuello, and Bani Mayor Facundo O.
Palafox, Jr. |
Ang mga bagong first class municipalities ay ang Aguilar (galing sa 3rd class), Alcala (galing sa 3rd class), Asingan (galing sa 2nd class), Balungao (galing sa 4th class), Bani (galing sa 2nd class), Bugallon (galing sa 2nd), San Jacinto (galing sa 3rd class), Sison (galing sa 3rd class), Tayug (galing sa 3rd class), at Urbiztondo (galing sa 3rd class).
Ang mga bagong second class municipalities ay ang Agno (galing sa 3rd class), Anda (galing sa 3rd class), Dasol (galing sa 3rd class), Infanta (galing sa 3rd class), Laoac (galing sa 4th class), Mabini (galing sa 3rd class), San Quintin (galing sa 3rd class), at Sta. Maria (galing sa 4th class).
Ang mga bagong third class
municipalities ay ang Basista (galing sa 4th class), Bautista
(galing sa 4th class), Burgos (galing sa 4th class),
Labrador (galing sa 4th class), at Natividad (galing sa 4th
class).
Ang nag-iisang bagong angat na 4th class town ay ang Santo Tomas na nanggaling sa pagiging 5th class.
Merong 44 bayan at 4 lungsod ang higanteng first class na lalawigang Pangasinan.
Ang Department Order No. 074, Series of 2024, ng DOF ay nilagdaan ni Secretary Recto noong ika-5 ng Nobyembre 2024 kung saan binalangkas niya ang income classifications of provinces, cities, at municipalities base sa average annual regular income sa huling three fiscal years bago ang general income reclassification ngayong taon.
Sa ilalim ng updated classification,
ang mga munisipyo ay naka-kategorya sa five classes ayon sa mga saklaw ng
kanilang mga kita:
* 1st class – P200 million or more
* 2nd class – P160 million to less
than P200 million
* 3rd class – P130 million to less
than P160 million
* 4th class – P90 million to less
than P130 million
* 5th class – less than P90 million
Ang pag reclassify ng mga
lalawigan, lungsod, at bayan ayon sa DoF ay nakabase sa regular sources nila
gaya ng local na kita at National Tax Allotment (NTA) (dating Internal Revenue Allotment o IRA),
bahagi sa national wealth gaya ng excise tax sa tobako, incremental na
kuleksyon sa Value Added Tax (VAT), at gross income tax na bayad ng mga may ari
ng mga negosyo sa Special Economic Zone.
Hindi kasali dito ang mga non-recurring, kita sa pagbenta ng mga asset ng local government unit, miscellaneous income/receipt. at iba pa.
NOTE: Sa mga gustong malaman ang basehan ng mga kita at listahan ng
mga na reclassified na mga provinces, cities, at municipalities 2024, PLEASE CLICK HERE:
Thursday, December 5, 2024
Manaoag Mayor Nakipagpulong sa Batikang Urban Planner
MANAOAG, Pangasinan - Muling nakipagpulong ang alkalde ng first class town dito kay 𝗗𝗿. 𝗡𝗮𝘁𝗵𝗮𝗻𝗶𝗲𝗹 "𝗗𝗶𝗻𝗸𝘆" 𝘃𝗼𝗻 𝗘𝗶𝗻𝘀𝗶𝗲𝗱𝗲𝗹, isang kilalang arkitekto, environmental planner, at eksperto sa urban development.
Sining, Kultura ng P'sinan Ipinagdiwang sa "1st" Mural Arts Instl. ng Kapitolyo
Pormal nang inilunsad ang Mural Art Installation sa Capitol Beachfront nitong December 2.
Taob ang 15 Taon ng mga Espino kay Guico
Ni Mortz C. Ortigoza, MPA
LINGAYEN, Pangasinan – Tinaob ng mahigit dalawang taong panunungkulan ng Guico Administration ang 15 taong serbisyo ng dalawang Espino kung pag-uusapan ang health care service.
Ayon sa graph na inilabas ng isang Facebook Page na may pamagat PaPogi versus Super Mon, nalunod sa galing ang pamunuan ni dating gobernador Amado Espino, Jr at ng kanyang anak at kapangalang si dating Gob. Pogi kung saan meron lang silang nabili na ultrasound machines (5), X-Ray Machines (11), CT Scan (0), at MRI Scanner (0) sa 14 ospital na pag-aari ng lalawigang pamahalaan. Sa ilalim ni Governor Ramon “Monmon” Guico III ay merong ultrasound machines (22), X-Ray Machines (19), CT Scan (6), at MRI Scanner (1).
“In my more than two years as
governor in my first term, we were able to have more than 400 something
employees for our hospitals. Mga doctors, nurse, medtech, pharmacist at mga
support admin staff. Nakabili po tayo ng mga equipment diagnostic equipment,” mga binitawang salita ni Guico taliwas sa
patutsada ng matandang Espino noong press conference sa Riverside Resort and
Restaurant sa Bugallon, Pangasinan na dalawa na lang ang dialysis machine na
ginagamit sa kasalukuyan kumpara sa labing apat na binili nila noong
namamayagpag pa sila sa kapangyarihan.
“Nagtayo ipinatayo dito ng
dialysis center pinangalanan natin kay Mayor Julian Resuello (sa) San Carlos
City na balita ko dadalawa na lang ang dialysis machine na tumakbo, labing apat
iyan,” sambit ng amang
Espino sa mga tagasuporta noong ipinahayag ang pagtakbo muli kontra kay Guico
ni Pogi sa 2025 eleksyon.
Pinasisinungalingan ni Guico na noong panahon nila Espino ay mas
naalagaan ang mga mahihirap na pasyente dahil sa Point to Payment at No Balance Billing dahil sa insurance ng PhilHealth.
“Ibig sabihin noong balance
statement wala silang babayaran sa mga ospital natin,” ani dating kongresman Espino, Sr.
Marubdob na kinontra itong ng batang Guico:
“Hindi po! Ongoing ang improvement ng mga dialysis centers po natin. Iyong dialysis andami pong nagkakasakit most likely ng isang seat most likely isang tao lang ang nakikinabang hanggang dalawa kasi slot na iyon, nagaagawan po".
Sa mahigit dalawang taon ng bagong gobernador ay naipatayo na ng 50% ang
Umingan Community Hospital, bumili pa ang Kapitolyo ng five-hectare property
para sa isang government complex, mga bagong equipment, bumili ng two-hectare
property para sa satellite facility para sa Eastern Pangasinan District,
improvement ng mga ospital sa Bolinao, Dasol, Mangatarem, at Lingayen.
Ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan sa pamunuan ni Vice Governor Mark
Ronald Lambino at nilagdaan ni Guico ang Pangasinan Unified Incentive for
Medical Consultation kung saan bibigyan ng Kapitolyo ng pamasahe ang mga
mahihirap na Pangasinense para lamang makapag pakonsulta para sa kanilang
kalusugan sa mga ospital ng lalawigan.
“Parallel po itong programa
natin sa PhilHealth E-Consulta. Magpa check up lang sila tapos meron po tayong
local counterpart na assistance sa kanila. Kasi alam niyo po na andaming mga
kababayan natin na takot na magpa-ospital, takot na magpa check up, primary
reason wala po kasi pera. From the barrio we go to the RHU to to the provincial
hospital at regional hospital –- wala kasing pamasahe. Pagdating kasi doon wala
kasing pambili ng gamot, kasi wala kasing means na magpa-gamot,” paliwanag ng gobernador sa mga mamahayag
sa Dagupan City.
Ani Guico itong programa ay mag “augment” sa target na dalawang milyong
katao sa lalawigan magmula sa mga sanggol papuntang mga matatanda.
“Oo, kasi ang mangyayari diyan
sa bawat individual for every member of the population ang ni enroll natin ni check up natin may bumabalik na binibigay sa provincial health board. Iyan ang mga usapan sa mga LGUs. This year is gonna be P1,700 by next year it’s gonna
be P2,100 mga added programs na kailangan deserves sa ating mga constituents,” sagot niya sa tanong ng writer na ito noong
Christmas tree lighting dito sa Kapitolyo noong Nobyembre 29.
Bukod sa dalawa na lang daw ang dialysis machine, inupakan din si Guico
ng matandang Espino na mga sira na daw ang 14 ospital ng lalalwigan.
“Sirang sira ang labing apat na
provincial hospital at mababaho at marumi din at nangangailangan ang mga
pasyente sa hospital na iyan. Karamihan sa mga empleyado ay low moral”.
Pinabulaan naman ito ni Guico kung saan sinabi niya ang mga plano niya
dito:
“Na improve po natin ang
hospital. Nagkaroon lang po ng surge ng dengue kaya kinapos. But still that we
try na we could fill up our pharmacy para magkaroon ng mga gamot doon ng sapat
na mga doctors and matutuwa po kayo on how effective the collection system of the
province may pondo po tayo e”.
Ang pondong sinasabi ng gobernador ay ang kuleksyon na mahigit kumulang
na P250 million sa quarry operation ng mga negosyante ngayong taon. Noong
huling taon ni Governor Pogi noong 2022, ang pangasiwaan ay kulelat na nakakulekta
lamang ng P12 milyon.
“May mga resibo ang kuleksyon namin, ani Guico.
Tanong ng writer na ito sa mga
nagbabasa: Bakit kulang ba sa resibo ang
mga pamahalaang Espino sa quarry kaya sobrang mababa ang kuleksyon nila?


