Saturday, May 17, 2025

Mga Bagong Alkalde sa P’sinan

 Ni Mortz C. Ortigoza

 Matapos ang mainit at mapanghating local na eleksyon sa Pangasinan, nasilayan ng publiko ang mga mahigit kumulang 15 na bagong mukha na mga nanalong alkalde na uupo sa tanghali ng Hunyo 30 ngayong taon.

Ang mga bagong halal sa dambuhalang 44 bayan at 4 lungsod na lalawigan ay sina Iday Castaneda ng Lingayen, Patrick Caramat ng Calasiao, John Celeste ng Agno, William Dy ng Bugallon, Rosemarie Gacutan ng Bautista, Noli Uson ng Labrador, Alma C. Lomibao ng Sison, Farah Lee Lumahan ng San Quintin, Chris Evert Tadeo ng Umingan, Noel Uson ng Labrador, Doc Vir Vallarta ng Infanta, at Jensen Viray Ventenilla ng Mangatarem.

HIZZONERS.  (from top left to clockwise) Calasiao new Mayor Patrick Caramat, Agno Mayor-Elect John Celeste, Lingayen new mayor Iday Castaneda, and Bugallon Mayor – elect William Dy.  

Tinalo ni Celeste (NPC) si incumbent mayor Gualberto Sison (API) ng 10, 293 na mga boto ayon sa Commission on Election (Comelec). Nakakuha naman ng 8, 128 na mga boto si Sison.

Si Celeste, isang Civil Engineer, ay retiradong Regional Manager/Project Manager ng National Irrigation Administration, nagtapos ng Bachelor of Science of Civil Engineering sa University of Pangasinan sa Dagupan City, nakakuha ng Bachelor of Laws (LLB) sa University of Pangasinan, nagtapos ng Public Administration sa University Of Luzon (Luzon Colleges), at nag-aral ng Hydrology sa UNESCO-IHE, Delft, Netherlands.

Ang 26 years old Calasiao Mayor- Elect Caramat (NP) ay nanalo ng 48, 591 na boto. Siya ay shoo-in magmula pa noong maghain siya ng kanyang Certificate of Candidacy (CoC) noong Oktubre 1-8, 2024 dahil wala siyang katunggali. Ang dating estudyante ng College of Medicine ay anak ng dating Calasiao Mayor na pumanaw na si Mamilyn Agustin Caramat at retired Police Major Gen. Romeo Caramat, Jr. Ang alkalde ay dating Pangulo ng Liga ng mga Barangay Federation sa first class na bayan. Instrumento rin siya sa pagkakaisa ng mga nagbabanggaan na mga matataas na mga pulitiko sa Calasiao bago siya tumakbo sa pagka alkalde.

Tinalo ni Lingayen Mayor elect Castaneda (NPC) si incumbent Vice Mayor Dexter Malicdem (NUP) ng 35, 505 na mga boto. Nakakuha naman ng 25, 623 na mga boto si Malicdem.

Nagwagi naman si  Bugallon new mayor Dy (NPC) laban kay dating congressman Espino (API) – anak at kapatid ng dating gobernador ng Pangasinan – kung saan si Dy – isang negosyante ay nakakuha ng 24, 188 na mga boto habang si Espino ay meron lamang 22, 903 mga boto.

Tinalo ni Bautista Mayor elect Gacutan (Lakas) si Jerome Vic Espino (API) ng 10, 005 na mga boto. Nakakuha naman ng 9, 368 na mga boto si Espino.

Nagwagi naman si Labrador new mayor Uson (Independent) laban kay incumbent Mayor Acain (Lakas) kung saan si Uson ay nakakuha ng 9, 949 na mga boto habang si Acain ay merong 7. 019 lang na mga boto.

Tinalo ni Sison Mayor elect Lomibao (NPC)) si Myrna Bell Uy (Lakas) – maybahay ng outgoing mayor Danny Uy -- ng 16, 334 na mga boto. Nakakuha naman ng 12, 153 na mga boto si Uy.

Nagwagi naman si San Quintin newly elected Mayor Lumahan (Lakas) laban kay incumbent Mayor Florence Tiu (NP) kung saan si Lumahan ay nakakuha ng 13, 723 na mga boto habang si Tiu ay merong 8, 705 lang na mga boto.

Tinalo ni Umingan Mayor elect Tadeo (NP)) si Cruz (PMP) ng 22, 233 na mga boto. Nakakuha naman ng 20, 130 na mga boto si Cruz.

Nagwagi naman si Infanta newly elected Mayor Vallarta laban kay Melanie Martinez kung saan si Vallarta ay nakakuha ng 8, 619 na mga boto habang si Martinez ay merong 7, 136 lang na mga boto.

Tinalo ni Mangatarem Mayor elect Ventanilla (PDP-Laban)) si Paragas (Lakas) ng 28, 404 na mga boto. Nakakuha naman ng 8, 116 na mga boto si Paragas.

Ang mga nanalong alkalde, mga bise alkalde, at mga konsehales  sa karera noong Mayo 12 ay uupo sa kanilang tanggapan sa tanghali ng Hunyo 30 ngayong taon, ayon sa Local Government Code of the Philippines.

No comments:

Post a Comment