Saturday, December 2, 2023

NuKe Reg. Bill ni Cayetano Para sa Ligtas na Pagamit ng Radioactive Materials

Tiniyak ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Biyernes sa publiko na ang panukalang Philippine Nuclear Regulation Act ay hindi naglalayong magtayo ng nuclear power plant kundi lumikha ng isang institusyon na mangangasiwa sa paggamit ng radioactive material sa bansa.



Ipinahayag ito ni Cayetano sa isinagawang public hearing sa Senate Bill No. 1194 (Comprehensive Atomic Regulation) at Senate Bill No. 1491 (Philippine Nuclear Regulation Act) ng Committee on Science and Technology, na kanyang pinamumunuan. “Doon sa mga may agam-agam, may doubt sa nuclear power plant, nuclear energy: this bill is not to put up one (nuclear power plant). It’s precisely to have the institution and the right people to be able to assess [the use of nuclear energy],” wika niya. Ayon kay DOST-Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) Director Vallerie Ann Samson, ang nuclear energy ay ginagamit hindi lamang para sa power generation kundi maging sa agrikultura, medisina, at iba pang industriya. Ang counterpart measure sa House of Representatives na House Bill No. 9293 o ang "Philippine National Nuclear Energy Safety Act" ay inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa noong November 22, 2023. Nilalayon nitong magtatag ng legal framework upang mapadali ang “safe and secure” na paggamit ng nuclear energy sa bansa. Ang parehong bersyon ng Kamara at ng Senado ay naglalayong lumikha ng Philippine Atomic Energy Regulatory Authority o PhilATOM na siyang susuri at magbibigay ng mga lisensya sa lahat ng pasilidad na gumagamit ng radioactive materials at electrically generated ionizing radiation, kabilang ang mga ospital na nag-aalok ng radiology procedures. Sa ngayon, ang mga pasilidad na gumagamit ng nuclear energy tulad ng mga provider ng PET/CT scan ay kailangang kumuha ng dalawang lisensya: isa mula sa PNRI para sa paggamit ng radioactive material, at isa mula sa Food and Drug Administration para sa klinikal na aplikasyon nito. Sinabi ni Cayetano na ang layunin ng PhilATOM ay protektahan ang publiko mula sa hindi ligtas na paggamit ng radioactive materials. “Para mong sinabing nag-create ka ng Bureau of Fire. Hindi mo gusto ng sunog; gusto mo ng mga tao na iwa-warn tayo, mag-i-inspect, magpi-prevent,” aniya. "You have our support," sabi niya sa PNRI.###

No comments:

Post a Comment