Tuesday, December 26, 2023

Ikinagalak ni Mayor Bona ang Pagkahuli sa Scammer ng mga Pulitiko

By Mortz C. Ortigoza

MANGALDAN, Pangasinan – Ikinatuwa ng Alkalde dito matapos mabalitaan na ang estapador na gumagaya ng boses ng kapwa niya mayor at ni Department of Interior & Local Government Secretary Benjamin Abalos sa panluluko ay nahuli na kamakailan.

Mabuti naman at nahuli na ang tao na iyan para mahinto na ang mga panloloko niya sa mga pulitiko,” ani Mayor Bona Fe D. Parayno na naging biktima rin kasama pa ang ibang alkalde dito sa Pangasinan.


Si Edison Montealto, 23, (left photo) -supect sa panloloko sa mga pulitiko - habang iniharap ni DILG Secretary Benjamim Abalos sa media sa Camp Crame matapos mahuli sa Lingayen, Pangasinan. Mangaldan Mayor Bona Fe D. Parayno (above right photo) at Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil.

Kamakailan lang ay inaresto ng mga kapulisan si Edison Montealto, 23, isang college student at residente ng Barangay Baay, Lingayen matapos magpanggap sa pagaya ng boses ni DILG Secretary Abalos para lokohin ng tatlong beses ang isang gobernador na magbigay ng pera sa pamamagitan ng G-Cash.

Sinampahan ng kasong criminal na Syndicated Estafa, Section 6 ng Republic Act 10175, Identity Theft at Spoofing sa ilalim ng SIM Registration Act sa Office of the Prosecutor sa Lingayen ang suspek.

Ang mga kapulisan sa pangunguna ni Pangasinan Provincial Police Office Director Col. Jeff Fanged ay patuloy na nag-iimbestiga kung sino pa ang mga kasamahan ni Montealto.

Sinabi ni Mayor Parayno sa writer na ito noong October na tumawag sa kanya ang isang nagpakilalang Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil na pinapasabi daw ni Governor Ramon Guico, III na nakahanda na ang P150 million budget sa slope protection project para sa bayan na ito na galing sa Department of Budget and Management (DBM).

“Kaboses talaga ni Mayor Bataoil at kinuwento pa sa akin iyong mga activities namin noong may meeting ang mga mayors ng Pangasinan sa Cebu. Alam na alam niya ang mga pangyayari sa Cebu,” ani ng lady mayor.

Ang nagpapapanggap na Mayor Bataoil sa kabilang linya ng telepono ay nakiusap sa kanya na magpadala ng P40, 000 sa dalawang lalaki na inutusan ni Governor Guico para sabihin ang magandang balitang mahigit hundred of millions of pesos project.

Dahil nasa biyahi si Parayno itinawag niya sa kanyang deparment head na humiram muna ng pera sa dalawang kontraktor at ipadala sa G-Cash number ni Mayor Bataoil.

Noong pinacheck ni Mayor Parayno sa department head niya sa online computer ng local government kung meron talagang P150 million, siya ay nagulantang noong sabihin sa kanya na walang slope protection project para sa Mangaldan.

Hindi na rin matawagan ang GCash no. ng nagkukunwaring swindler.

Noong sinabi ng Northern Watch Newspaper kay Mayor Bataoil ang pagaya sa boses niya ng scammer, sinabi niya na ikatatlong mayor na si Parayno na naluko gamit ang pangalan niya.

Si Bataoil ay President ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) - Pangasinan Chapter.

Sinabi naman ni Governor Guico - noong ikuwento sa kanya ng writer na ito ang tungkol kay Mayor Bona – na naisumbong na niya ang gumagawa ng Identity Theft at Spoofing sa otoridad.

Noong December 12 nipresenta ni Secretary Abalos si Montealto sa media sa Camp Crame sa kanyang mga ginawang panggagantso sa mga gobernadors at mayors.

Ani Abalos nabiktima ni Montealto ang isang gobernador na magpadala ng tatlong beses sa GCash ng kabuunang halaga na P90, 000. P50, 000 rin ang nakuha niya sa isang mayor.

Naghihimas ng rehas ngayong ang suspek sa Pangasinan Provincial Jail.

No comments:

Post a Comment