Friday, November 10, 2023

Opisyales ng SK Batang Namulat sa Kurapsyon

 Ni Mortz C. Ortigoza

 Maagang namulat ang mga Pilipinong kabataan ngayon sa kurapsyon. Mantakin ninyo sa idad na 18 years old hanggang 24 years old makakatangap sila ng P50,000 to P100,000 sa linggong ito sa mga magulang at pulitiko na sumusuporta sa kandidatura ng isa para sa pagka president ng Sangguniang Kabataan (SK) Federation sa Sangguniang Bayan o Panlungsod (town and city’s lawmaking bodies) sa karamihan sa buong Pilipinas.


 Ang mananalo dito sa pamamagitan ng majority votes ng mga SK chairmen sa mga barangays ng bayan o siyudad ay maging ex - officio ng Konseho.

Ibig sabihin sila ay may katumbas na kapangyarihan at perks and privileges ng isang town o city councilor.

Kada isa sa kanila ay magsasahod kada buwan ng P80,000 to P100,000 kagaya rin ng isang councilor ng first class town o siyudad.

***

Pero bago ang sahuran, kung sino ang may pinakamaraming pera sa mga SK chairmen na ito na pambili ng boto ay may pagkakataon manalo sa pagiging ex-officio Councilor sa pamamagitan ng vote buying sa kapwa nila kabataan. Siyempre ang pasimuno diyan ay ang mga magulang o ang mayor na backer ng kandidato na gustong makitang panalo ang manok nila lalo na sa Alkalde na may kakulangan ang numero niya sa mga Konsehales sa Konseho para maipasa ang gusto niyang legislation o batas – kung saan pinagkikitaan niya rin.

Iyong ibang mga magulang na gumagastos ng sobra sa eleksiyon ng SK President ay hinahabol na lang nila diyan ang prestihiyo ng puwesto.

Mantakin mo ba naman pati Major o Colonel na Chief of Police ng bayan “Sir” o “Maam” ang tawag sa anak nila dahil ang salary grade niya sa gobyerno ay mataas.

Noong tumakbo ang anak ko bumili kami ng P500 kada isa sa 500 botante na binadgetan namin,” ani ng isang ina na kung saan siya at ang kanyang mister ay gumastos ng P250, 000 para lang manalo sa pagiging SK Chairman at maging ex-officio Kagawad ng barangay ang kanilang anak noong October 30 Barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE).

Ang sahod pala kada buwan (kasama na ang 13th month pay) ng anak nila sa barangay ay P10,000 o P260,000 sa dalawang taon na term hanggang November 30, 2025.

Dahil gusto nilang manalo muli ang  anak sa pagiging SK President ng bayan, namili na sila sa 12 na SK Chairmen ng tag P50, 000 kada isa.

“Ang kalaban namin na pamangkin ng national public official ay namili na rin pero siyam (9) lang ang hawak nila,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan naghahanap ang mag-asawa – na backed up ng Alkalde nila – kung saan “kikidnapen” ang twelve na mga bata ngayong linggo para hindi na masulot ng pamangkin ng bilyunaryo na pulitiko na pueding tapatan ng P100,000 ang P50, 000 nila bumaliktad lang ang mga nabili nilang SK opisyal at panalunin sa Lunes na eleksiyon sa pagka Presidente ng SK ang manok ng kalaban.

“Naghahanap kami ng resort kung saan namin dadalhin at itago ang mga bata,” ani ng Ina sa kagustuhan ng mga kabataan na magliwaliw ngayong araw hanggang sa linggo.

Sa kidnapping na ito, libre ang lamon, inuman at babaeng bayaran (sa mga lalaking SK chairmen) sa mga kabataan pero ang mga cellphone nila ay embargo muna para iwas sulot ng kabilang kampo.

Tawag ko sa ganitong pangyayari sa English column ko ay Bacchanalian Feast – isang wild, wine-soaked rowdy party.

Pag sinuwerte ang mga ito, bago sila bumalik sa bayan nila para bumoto, mabibigyan uli sila ng dagdag na paldong datung.

Nakakaingit ba o nakakasuka ang kalakaran sa SK? Basahin itong blog kong ito para lalo kayong maingit o masuka:P5-M to Win an S.K Presidency Thru Vote Buying



MORTZ C. ORTIGOZA

Follow

I am a twenty years seasoned Op-Ed Political Writer in various newspapers and Blogger exposing government corruptions, public officials idiocy and hypocrisies, and analyzing local and international issues. I have a master’s degree in Public Administration and professional government eligibility. I taught for a decade Political Science and Economics in universities in Metro Manila and cities of Urdaneta, Pangasinan and Dagupan. Follow me on Twitter @totoMortz or email me at totomortz@yahoo.com.

No comments:

Post a Comment