Nangako si Senador Alan Peter Cayetano nitong Sabado na tututukan niya ang mga suliranin ng transport groups na nahihirapan sa pag-modernize dahil sa laki ng gastos at sa kahirapan ng pagkuha ng utang.
"First and foremost, hundred percent I hear you… So count on me to be one of those na magbabantay at titingin [sa issue na ito],” sagot ni Cayetano sa tanong ng isang transport group adviser sa isang press conference sa Baguio City nitong November 25, 2023.Senator Alan Peter Cayetano |
’Win-win’ formula ang PTK
Sinabi ni Cayetano na ang isa sa mga programang inumpisahan niya — ang PTK (Presyo, Trabaho, Kita/Kaayusan) — ay napatunayan nang mabisa sa pagsagot sa mga pangangailangan ng mga sectoral groups na nahihirapang kumuha ng pautang.
Ikinuwento niya ang karanasan ng isang PTK group sa Iloilo na nakatanggap ng P250,000 sa kanyang programa at napalago ito hanggang sa nakabili ng 90 buses gamit ang isang P100-million loan. Ngayon aniya, kumukuha ito ng isa pang P100-million loan para sa karagdagang electric buses.
"What do they have na wala sa iba? A win-win formula. Wala namang problema kung magkautang basta sure kang mababayaran mo at sure kang makakautang at sure kang kikita,” aniya.
Sabi ni Cayetano, ito ang “hugot” ng isa pa niyang programa na nagbibigay ng P10,000 sa mga nangangailangan.
“It was not standalone. Ang kasama ng programa na y’un is how to provide financing na merong at least one to three years na grace period… Huwag ka munang magbayad ng one to three years hanggang makabawi [ang negosyo mo],” wika niya.
Sinabi ni Cayetano na tiyak niyang gugustuhin ng mga transport group na magmodernize basta makakakuha sila ng katulad na programa.
“Basta win-win, most [drivers and operators] papayag [sa modernization],” aniya.
No comments:
Post a Comment