Wednesday, August 9, 2023

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ธ, M๐—ฎ๐˜€ P๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด S๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ, B๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด D๐—ถ๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ฎ A๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐——๐—›

Ipinagdiwang kamakailan lang ang ika-31 taong anibersaryo ng Lingayen District Hospital.

Napakahalaga ng araw na ito sa mga bumubuo sa pagamutan dahil pagkakataon ito upang muling maalala ang simula at ipagdiwang ang tagumpay sa pagbibigay ng maayos at de kalidad na serbisyong pangkalusugan sa komunidad.

VICTORY SIGNS. (Seated from left to right) Pangasinan 2nd District Hospital Chief Dr. Aurelio O. Cariรฑo,  Pangasinan Provincial Administrator Ely Patague and Provincial Legal Chief Atty. Baby Ruth Torre flash the victory sign during the 31st anniversary of the Lingayen District Hospital in capital town Lingayan, Pangasinan. The trio are flanked by the staff of the hospital.



Sa kanyang mensahe, tiniyak ni Provincial Administrator Melicio Patague ang patuloy na suporta ni Governor Ramon V. Guico III sa LDH.

Ayon naman kay Special Assistant to the Governor Von Mark R. Mendoza, maraming nakalinyang programa si Governor Guico para sa LDH at iba pang mga ospital ng lalawigan. Aniya unti-unti na itong naisasakatuparan.

“Let us continue to strive to be the best. I do believe that we have all the capacity to be the best in everything that we do. And I know that the men and women of LDH are all qualified, competent government employees”, giit ni Mendoza..

Kaugnay nito, isinusulong ng LDH ang pagiging prosthesis at dialysis center.

Ayon kay Dr. Dalvie Casilang, pinuno ng Hospital Management Services Office, kung maitayo, ito ang magiging unang prosthesis center sa buong probinsiya.

Napili din ang LDH na maging mobile prosthesis center. Pag nagkataon, ito ang kauna-unahan sa buong bansa.

Ayon naman kay Dr. Aurelio O. Cariรฑo, ang Chief of Hospital I, nakaumang na ang expansion ng LDH bilang Level II Referral Hospital at Training and Learning Hospital.

Dagdag pa niya, sa pamumuno ni Gov. Guico ay nakatakda ng ipatayo ang four-storey building health facility.

Bukod dito,sinabi niyang kinakailangan na ring ayusin ang mga bagong gusali upang maumpisahan na ang pagbubukas ng emergency room, diagnostic area, Intensive Care Unit o ICU, prosthesis center at ang kasalukuyang ginagawang dialysis center na matatapos ngayong taon.

Kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ay nagkaroon ng misa at bloddletting. Namahagi rin ang ospital ng pagkain sa lahat ng mga pasyente.

Nagbigay ng inspirational message sina Provincial Legal Officer Atty Baby Ruth Torre at 3rd District Board Member Shiela Marie Baniqued.

Noong June 20, 2003, sa bisa ng Provincial Ordinance No. 102-2003, ang dating Lingayen Community Hospital na ang orihinal na lokasyon ay nasa Libsong, Lingayen ay naging District Hispital. Di kalaunan , tinawag itong Lingayen District Hospital sa bisa naman ng Provincial Ordinance No. 114-2004.

Ang Lingayen District Hospital o Don Mariano C. Versoza Memorial Hospital ay isang 40 authorized Bed Capacity Level I Referral Hospital na may “prescribed licensed” ng Department of Health.

Nagsimula ang operasyon nito noong Agosto 2, 2002 na may sampung (10) bed capacity lamang.

Ito ay Philhealth accredited facility na nagbibigay ng ibat-ibang serbisyo katulad ng: Medical, Pediatrics, OB Gyne, Surgery, In-Patient and Out-Patient, Radiology and Ultrasound, Laboratory, Pharmacy, Animal Bite Treatment Center, TB DOTS, HIV/AID, Family Planning, at Counselling.

Ang LDH ay mayroong dalawang daan at limampung empleyado. (Marilyn Marcial, Ron Bince /PangasinanPIO)

 

No comments:

Post a Comment