By Mortz C. Ortigoza
MANAOAG, Pangasinan – Kumampi ang Hukom ng Regional Trial Court (RTC) sa
Urdaneta City kay Mayor Jeremy Agerico B. Rosario sa “massive fraud at serious anomalies” na poll protest ng karibal nito noong May 9, 2022 mayoral election.
Sa apat na pahina na ruling na isinulat at inilabas ni Judge Edna Lou C. Ibe-Pulmano, kanyang ibinasura ang protesta ni mayoral candidate at dating vice mayor Domiciano Z. Ching kay Rosario.
ELECTION PROTEST'S LITIGANTS: Manaoag Mayor Jeremy Agerico B. Rosario (left) and mayoral election prostestant former Vice Mayor Domiciano Z. Ching. |
“Masayang balita, kabalikat! Nagdesisyon
na po ang korte ukol sa legalidad ng ating pagkapanalo noong eleksiyon.
Maraming salamat sa Diyos at sa inyong suporta, pang-unawa at pasensiya sa
buong prosesong ito mula noong umpisa. Patuloy po tayo na magkaisa at samahan
ninyo po akong tahakin ang ating kinabukasan bilang inyong Punong Bayan na may
tapat na hangarin at buong pusong pagsisilbi sa ating bayan. Mabuhay ang ating
mahal na pinagpalang Bayan ng Manaoag!,” sinabi ni Rosario sa post niya sa
Facebook.
Noong nakaraang eleksyon nakakuha ng 16, 117 votes o 40.45 percent ang
naka upo ngayong alkalde habang si Ching naman ay may 15, 961 votes or 40.05
percent na boto. Ang una ay may lamang na 156 votes.
Ang dalawa pang magkatungali sa parehas na posisyon ay si Ramon Bautista,
Jr. at Mariano Soriano nakakuha ng 19.28%, 0.22%, ayon sa pagkakabangit.
Ani Judge Ibe-Pulmano na hindi nakakuha ng matibay na boto sa protesta sa
15 clustered of the 75 clustered precincts si Ching na dapat meron siyang makuhang 20
percent na bagong natuklasang mga boto.
Tinukoy ni Judge ang Section 4 ng Administrative Memorandum No. 10-4-1 na
inihayag ng Supreme Court sa pagkapanalo ni Rosario.
“The pilot clustered protested
precincts which shall not be less than and nearest to twenty percent (20%) of
the total number of protested precincts that will best the merits of the
protest shall be the subject of an initial recount of the ballots. The initial
recount in the protest is intended to determine if there is a substantial
recovery wherein the protestant is able to recover at least 20% of the overall
vote lead of the protestee through the appreciation of ballots and other
submitted election documents. Based on the above determination, the court may
dismiss the protest, without further proceedings, if no substantial recovery
could be established from the pilot clustered protested precincts. However, if
substantial recovery could be established by the protestant from the pilot
clustered protested precincts the recount of the ballots shall proceed,” ani ng korte matapos bilangin muli ang mga
boto ng magkaribal na nakitaan lamang ng dagdag na tig dalawang boto si Ching
at Rosario.
“Granting that the claimed ballots
for the protestant will be appreciated in his favor, this will be an additional
13 votes,” ani Judge.
Sa pagbasura sa protesta, sinabi ng RTC na pag isinama ang dalawang
bagong boto at ang 13 na ibang bagong boto ni Ching lahat ay 15 botos lamang.
“This number, however, still
fell short of the 31 votes needed for substantial recovery contemplated by law
to proceed with the revision of the remaining protested precincts,” sinabi ni Judge.
Masaya si Rosario sa mabilis na desisyon ng korte at sinabing mai-talaga
na niya ang kanyang enerhiya at oras sa kanyang nasasakupan at sa bayan.
Any revision proceeding ng dalawa ay nagsimula noong May 31, 2023.
“This (ruling) only confirms
the integrity and veracity of the automated elections conducted last May 2022
as declared by the election’s watchdog like NAMFREL and the Comelec,” ani Rosario, isang medical doctor.
Hinikayat ng Punong Bayan ang mga taga pilgrimage town na magkaisa para
makamit ang sukdulang pag-unlad dito. Umaasa din si Rosario na maibalik ang dating
malapit na pagsasamahan nila ni Ching dahil ninong siya ng isang anak nito.
No comments:
Post a Comment