Friday, July 14, 2023

VP Sara Nagpasalamat Kay Mayor Bona

 By Mortz C. Ortigoza

MANGALDAN, Pangasinan – Taos pusong nagpapasalamat ang Bise Presidente ng Pilipinas kay Mayor Bona Fe D. Parayno pagkatapos maimbitahan siya ng huli para maging pangunahing tagapagsalita sa pagtatapos ng mga senior students ng public high school dito na pinaka-malaki sa Region-1.


Philippines Vice President Sara Duterte -Carpio (left, photo) exhorts the 1,092 senior high school graduates of the Mangaldan National High School (MNHS) as keynote speaker. After the Vice President speaks, Mangaldan Mayor Bona Fe D. Parayno gives her inspirational message to the graduates.

Maraming salamat po sa ating Mayora Bona Fe Parayno sa inyo pong imbitasyon sa akin Maam na dumalo sa graduation ng Mangaldan National High School dahil nabigyan po ako ng pagkakataon na makasama ang ating mga graduates sa hapon na ito at makapagbigay ng mensahe to inspire you about education in your education and the future of our country,” ani Vice President Sara Duterte-Carpio sa kay Mayora at sa 1, 092 na nagtapos.

Sinabi rin ni Mayor Parayno na isang malaking karangalan ang makasaysayan na pagdalo ng ikalawang pinakamataas na opisyal ng Pilipinas sa 6th Commencement Exercise ng Mangaldan National High School (MNHS) kung saan siya ang pangunahing bisita.

Payo ng Bise Presidente sa mga nagtapos ang importansiya ng katatagan at kakayahan  na tanggapin ang pagkabigo dahil iyan ay nagbibigay ng pagkakataon sa tagumpay.

Paliwanag nito na pinangarap niya noong sa kindergarten hanggang kolehiyo pa siya na maging isang pediatrician pero siya ay nahirapan noong maging first year student siya sa medicine. Ito ang naging dahilan na siya ay lumipat sa law school, naging abugada at nahalal bilang Bise Presidente ng Republika..

Halos walang humpay ang palakpakan at hiyawan ng mga magulang at mga graduates na basang basa noong naabutan sila ng ulan sa open basketball court ng MNHS nang sinabi ni Duterte-Carpio na siya ay magbibigay ng tig isang libong peso para may pambili ng handa sa hapag kainan sila.



“Magkano ba ang lechon manok dito sa inyo sa Mangaldan?”

Three hundred!” sigaw ng mga magtatapos.

P300? Ah okay. Mahal!!!

(Tawanan ang mga tao)

“Parang 210 lang ata sa Davao. Okay! Ah P300 daw ang lechon manok. Naghanda kami ng regalo para sa inyong lahat….

(Hiyawan at sigawan ang mga tao)

“…pambili ng inyong lechon manok, naghanda kami ng One Thousand per graduate,” sambit ng Vice President.

(Umaalingawngaw at nakakabingi na sigawan at palakpakan uli ng mga magulang, graduates at mga guro)

Dagdag ni Duterte-Carpio ang graduation ay hindi lang para sa mga nagtapos kundi para rin sa kanilang mga magulang at mga guro.


Vice President Sara Duterte graced the graduation rite of the Mangaldan National High School in Pangasinan (the biggest secondary school in Region-1) as commencement speaker last July 12, 2023. She is seen on the photos here with the top brass of the Department of Education in Pangasinan-II, Mangaldan Mayor Bona Fe Parayno and department heads and some local lawmakers, police regional and provincial commands lead by Brig. Gen. John Chua and Col. Jeff Fanged, Criminal Investigation Detection Group regional command chief Col. Noel Espinoza, Pangasinan illustrious daughter Lyn Ang and the grateful 1, 092 senior high school student graduates of the town.

Noong oras na ni Mayor Parayno na magsalita, sinang ayunan nito ang sinabi ng Bise Presidente tungkol sa hirap na dinanas ng mga magulang para sa kanilang mga anak. Ipinahayag niya ang hirap na dinanas din niya kung saan nagtapos sa Amerika ang kanyang mga anak pero hindi siya makadalo dahil sa kanyang obligasyon sa pinakamataas na tungkulin sa first class town dito.

 “You all are really resilient for being able to graduate with academic distinctions despite na pababago-bago ang mode of learning ninyo dahil sa pandemya. Ang pangarap ko po para sa inyo ay ipagpatuloy ninyo ang inyong pag-aaral. Sa mga magulang, ang pangarap ninyo para sa inyong mga anak ay pangarap ko rin,” ani Mayor Bona.

Bago dumating sila Vice President Sara, naging guest speaker na siya sa 54 graduates sa Tocok Elementary School sa San Fabian, Pangasinan kung saan namudmod siya ng android phone sa bawat isa sa mga nagtapos doon.

Siya ay lulan ng dark green Poland made Sikorsky “Black Hawk” utility helicopter ng Philippines Air Force na nanggaling pa sa isang pagtatapos ng mga public school students sa Nueva Ecija sa pareho ding araw na dumating siya sa Pangasinan.

No comments:

Post a Comment