Thursday, July 6, 2023

Flagship Projects ni Gov. Monmon Unti-Unting Naisasakatuparan

 LINGAYEN, Pangasinan – Unti-unti ng naisasakaturapan ang mga priority project na inilatag ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gov. Ramon “Monmon” V. Guico. III.

Una, ay ang pagsasaayos ng pamahalaang panlalawigan sa hospital system ng probinsya para sa mga pagbabago at pagpapabuti sa medical care.


Pangalawa, nabili na ng pamahalaang panlalawigan ang apat na ektaryang lupain sa Umingan, Pangasinan na siyang magiging tahananan ng unang township project. Dito itatayo ang bagong ospital, mga residential unit, commercial strip and transportation hub.

Pangatlo, ay ang pag-apruba ng Sangguniang Panlalawigan (SP) nitong Hunyo 26 sa ordinansang magtatatag ng Pangasinan Polytechnic College o PPC.

Patuloy din ang pag-usad ng Green Canopy Project upang siguraduhin ang pangangalaga sa kalikasan sa gitna ng patuloy na pag-unlad ng Pangasinan.

Nauna nang iginiit ni Governor Guico na magtuluy-tuloy ang pagkamit sa ina-asam na pag-unlad sa lLalawigan ng Pangasinan.

Sa regular flag raising ceremony kamakailan na pinangunahan ng Hospital Management Services Office, sinabi ni Vice-Governor Mark Ronald DG Lambino Lambino na unti-unti ng nagbubunga ang pagsusumikap ng kasalukuyang administrayon.

“It’s been a year since this administration has started its service for the province of Pangasinan. Ngayon po after a year masasabi po natin na namumunga na ‘yung ating mga itinanim at ipinuhunan noong nakaraang labing-dalawang buwan”, pahayag ni Vice-Governor Lambino.

 (Marilyn Marcial-Pangasinan, PIO)

No comments:

Post a Comment