IPINAGMALAKI ANG PARANGAL GALING COA
BAYAMBANG, Pangasinan - Iniulat kamakailan ni Mayor Mary Clare Judith Phyllis “Niña” Jose-Quiambao ang kanyang kauna-unahang State of the Municipality Address (SOMA) na may temang "Ahon: Ang Kwento ng Pag-angat ng Pamilyang Bayambangueño".
VICTORY. Bayambang Mayor Mary Clare Judith Phyllis “Niña” Jose-Quiambao (5th from left of photo) and group flash the victory sign after her first State of the Municipality Address (SOMA) held last July 5 in the fully air-conditioned Events Center. From left to right of photo: Provincial Consultant and Former Calasiao Mayor Mark Roy Macanlalay, Provincial Administrator Melicio “Eli” F. Patague, III (who represented Pangasinan Governor Ramon Guico, III), Pangasinan 3rd District Board Member Shiela Baniqued, former Vice Mayor Raul Sabangan, Bayambang Vice Mayor Ian Camille C. Sabangan, Mayor Jose-Quiambao and husband former Mayor Cezar T. Quiambao, Vice Governor Mark Ronald Lambino, representative of Pangasinan 3rd District Cong. Rachel Arenas and 3rd District Board Member Vici Ventanilla. (Caption by Mortz C. Ortigoza)
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ng Alkalde ang kapansin-pansing mga programa na nagawa ng munisipyo sa nakalipas na taon sa ilalim ng administrasyong Quiambao-Sabangan 2.0 na binabalangkas ang anim na sector gaya ng Edukasyon Para sa Lahat, Kalusugan Para sa Lahat, Proteksyon ng Kababaihan at Kabataan, Trabaho at Hanapbuhay Para sa Lahat, Modernisasyon sa Sektor ng Agrikultura, at Tapat at Mahusay na Lingkod-Bayan.
Bukod pa rito, narinig rin ang
kwento at mensahe ng ilang mga Bayambangueño na natulungan sa pamamagitan ng
iba’t ibang programa ng munisipyo.
“Sa tulong po ng LGU, napanatili pong malusog ang aking pagbubuntis, at naging malusog din po ang aking baby noong siya ay pinanganak,” ang sabi ni Rosemary Dela Cruz mula sa Brgy. Bacnono, na naging benepisyaryo ng libreng check-up sa Rural Health Unit at supplementary feeding program for nutritionally at-risk pregnant women ng Municipal Nutrition Action Office.
Bayambang Mayor Mary Clare Judith Phyllis “Niña” Jose-Quiambao |
“Dahil sa kanila po dito, napa-operahan ko po ang aking anak, tapos
hanggang po noong na-detect ‘yung sakit ng anak ko sa puso, kami po ay inalagaan
po, inaksyunan po agad ng Mayor’s Action Center, hanggang sa ngayon po
nagpapacheck-up po yong anak ko, hanggang sa natapos ang operation po niya kami
po ay inaalagaan pa din po,” ayon naman kay Eva Capiro ng Brgy. Carungay na
natulungan sa pagpapa-opera ng kanyang anak na mayroong sakit sa puso.
Kwento naman ni Celia A. Velasco,
isa sa mga benepisyaryo ng Goat Dairy Project sa Brgy. Mangayao, “Noon po wala po kaming [masyadong kita],
naghihintay lang po kami kung mayroong trabaho, unlike po ngayon, ‘pag
naka-duty po kami, meron po kaming inaasahan na sweldo sa pang-araw-araw naming
pangangailangan... Malaki ang tulong po para sa amin sa pang-araw-araw na
panggastos para sa aming mga anak po na pumapasok.”
Si Jasmine Dominic A. Tagum naman
ay residente ng Brgy. Sanlibo na nabigyan ng trabaho sa tulong ng Job Fair na
inorganisa ng Municipal Employment Services Office. Ayon sa kanya, “Bilang hindi po ako naka-graduate ng
pag-aaral, malaking tulong na rin po sa akin itong Job Fair na proyekto ni
Mayora . Sa Job Fair po na ito, hindi na po ako magiging tambay sa bahay,
magkakaroon na po ng gaan iyong buhay ko, magkakaroon na po ako ng trabaho,
makakatulong na ako sa magulang ko. Sa hirap po ng buhay ngayon, kailangan po
talaga ng trabaho. Maraming salamat po kay Mayora sa mga ganitong klaseng
proyekto na makakatulong po sa aming mga walang trabaho.”
Ang mag-asawang Norelyn Camacho at Henry Camacho ay lubos rin ang pasasalamat matapos silang makatanggap ng tulong para sa pag-ayos ng kanilang bahay matapos itong masira ng nagdaang bagyo. Mensahe nila, “Malaking tulong po sa amin ang bahay na ito kasi po noon, ang bahay namin ay napakaliit po na ‘pag bumagyo, bumaha, at umulan, nababasa po kami. Ngayon po ay nasisilong po ang aming pamilya dahil sa bahay na ito. Malaking tulong po na naibigay po sa amin ang bahay na ito.”
Bukod pa sa mga programang
inimplementa ng lokal na pamahalaan para sa mga Bayambangueño, iniulat rin ng
Alkalde ang mga aabangan pang proyekto sa ilalim ng administrasyong Quiambao-Sabangan
2.0 sa susunod na taon. Ayon sa Mayora, pormal nang bubuksan sa January 2024
ang itinatayong Julius K. Quiambao Medical and Wellness Center – The Medical
City's Managed Hospital - na tutugon sa mga pangangailangang pangkalusugan ng
bayan, sisimulan na ang 67-hectare New Township Development Project sa
groundbreaking ceremony ng Bayambang Promenade, at opisyal na ring sisimulan
ang konstruksyon ng Amusement Park na magpapalakas ng turismo at magbibigay ng
oportunidad sa mas maraming trabaho.
Panghihikayat ni Mayor Quiambao
sa mga Bayambangueño, “Sabay-sabay nating
ipagmalaki ang kwento ng ating bayan: ang kwento ng mga Bayambangueño na
naghirap, ngunit hindi sumuko, ang kwento ng pamilya na abot-kamay na ang isang
maginhawang buhay at natatanaw na ang magandang kinabukasan ng bawat isa.”
SAMANTALA, sa kauna-unahang
pagkakataon sa kasaysayan ng Bayambang nakakuha ang local government unit (LGU)
dito ng “Unmodified Opinion” mula sa Annual Audit Report ng Commission on Audit
(CoA). Ito ang inanunsyo ni OIC Municipal Accountant Flexner M. de Vera noong June
30, 2023. Aniya, ito ang pinakamataas na rating na maaring ibigay ng COA sa
isang LGU.
“Dahil po sa
pagtutulungan natin sa kauna-unahang pagkakataon sa ating Bayan ng Bayambang ay
nakakuha po ang LGU ng Unmodified Opinion dahil sa COA Report 2022. Ito po ang
pinakamataas na audit na maaring natanggap ng sinuman magmula sa COA dahil ibig
sabihin nito na kitang kita na tama ang napupuntahan ng bawat sentimos magmula
sa pondo ng local na pamahalaan. Ito po ang patunay na hindi po sayang ang
tiwalang pinagkaloob ng taong bayan sa Administrasyong Quiambao-Sabangan,” ani Mayor
Quiambao sa kanyang SOMA.
No comments:
Post a Comment