By Mortz C. Ortigoza
Ako’y napangiwi este napangiti noong makita ko sa proclamation
rally ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa Philippine Arena in Bulacan si
matabang senatorial bet Harry Roque na pagiwanggiwang kasama ang dalawang kamay
na sumusuntok suntok sa langit backed up ng tatlong naka berdeng kalalakihang
teenager in jibe sa rap song na isinisigaw ng isa sa kanila.
“Harry Roque, Harry
Roque, Harry Roque sa Senado!....”
“Iboboto ko iyan,
dancing butanding sa stage, he he he,” ani U.S based political kibitzer
Silver Rayos noong ni post ko sa Facebook ang hyper dancer na dating
presidential spokesman.
Si Roque – isang outspoken na abogado - ay Nos. 18-19 sa ranking ng December 1 to 6, 2021 survey ng Pulse Asia Research, Inc. Pero dahil favorite siya ni President Rodrigo Duterte sa mga nakalipas na buwan may mga television ads na rin siya na ini-endorso siya ng una.
Napamangha lang siguro ako sa pagiwang giwang ni Roque. Dahil
sa araw-araw na ginawa ng Diyos noon puro legalidad ang nadidinig ko sa kanyang
bibig sa kanyang bravado sa Duterte Administration at kung paano niya e contradict ang mga dating stances niya noong
practicing lawyer pa siya.
Siya ay dating abugado ng mga biktima ng Ampatuan massacre,
mga lola na ni raped ng mga Hapon noong World War –II, pamilya ng transgender
na si Jennifer Laude noong ni budol niya ang miyembro ng U.S Marines sa
kontratang pagtatalik, at ang mga naiwan ng environmental advocate at media-man Gery Ortega ng Palawan.
Itong hoopla sa Bulacan ay ginanap noong hapon ng Pebrero 8
sa unang araw ng national campaign na magtatapos sa Mayo 7.
Ang proclamation rally ay pinangungunahan ni presidential
and vice presidential candidates Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Davao City
Mayor Sara Duterte sa dambuhalang gusali ng Iglesia ni Kristo.
Ang rally na
tinatawag ng mga Amerkano na stump ay kung saan masaksihan ng isang botante ang
mga programa at prinsipio ng isang kandidato. Dito rin nangingibabaw ang galing
ng isang pulitiko sa diskurso. Tawag sa Inglis diyan ay gift of gab kung saan
naaantig ang puso at napapanganga niya ang masa.
Dahil mas maraming bobotante (stupid voters) sa 111 million population ng Pilipinas, iyong mga magaling sumayaw at magpa kenkoy ay may bentahe kontra sa rabble rouser sa hustings.
Itong pananaw ko ay nangyayari lalo na sa mga municipal
elections. Iba pero ang sitwasyon sa presidential at senatorial derbies. Iyong
mas maraming 30- seconds na political advertisement sa television gaya ng
GMA-7, TV-5, ABS-CBN, atbp. ay may malaking tsansang manalo. Problema lang masyadong
mahal ang TV ads kahit trenta segundo lang ayon kay former five-time House
Speaker Joe de Venecia. Sinabi niya sa akin na noong tumatakbo si Joey de
Venecia noong 2010 para senador, nagbabayad sila ng P200, 000 to P300, 000 per 30 seconds
sa either ABS-CBN o GMA-7.
Here’s what former Speaker De Venecia told me that I quoted from my old column when I asked him how much his son and namesake Joey spent on
these giant boob tube networks when the latter ran but failed to win the
senatorial poll:
“If my memory serves me right, Joey for the few weeks
dash, in his race to be included in the Top 12 of either Social Weather Station
or Pulse Asia's polls, had been airing three to four ads a day to get the
attention of the voters around the country.
Hmmm? P250,000 multiplied by three times a day multiplied by 30 days equal a
staggering of P22,5000, 000!”
aking sinulat sa blog ko titled: "NO VOTE" for Most of the Reelective Senators noong 2010.
“Yes Virginia, that’s not thousands but P22.5 million or
P45 million or P270 million for the six months’ propaganda before the May 13
national derby for the two mammoth networks or for a job that gives the
official more than P100 thousand a month salary for six years stint,” dagdag ko pa.
Tinanong ko sa Gerry’s Restaurant & Bar at Robinson’s Calasiao si reelective Senator Grace Poe ng dinala siya doon ni Abono Party List chairman Rosendo So.
ME: Congressmen buy
votes to win, a senator buys television ads to be victorious. Mostly consistent
kayong No. 1 sa poll, ilan ang TV ads ninyo sa major televisions’ GMA-7 and
ABS-CBN?
SENATOR GRACE POE: Marami rami rin. Ah, hindi naman ganoon karami katulad
ng iba pero ang importante kasi sa lawak ng Pilipinas hindi maabot mo ang lahat
ng mga bumoboto. E paniwalaan natin o hindi lahat naman ng nanood ng television
kahit ano ang mangyari kahit pilitin sarili mo sa lahat ng pupuntan lahat ng
liblib…
Ito si Roque noong nag withdraw siya sa senatorial derby ng 2019 at noong tanungin siya ni GMA Super Radyo (DZBB 594) broadcaster Mike Enriquez:
“Sinabi ninyo na
ang kandidato sa pagka senador ay dapat gumastos ng minimum na P500 million at
hindi ka pa siguradong mananalo doon?
Ani Roque: “Pag
senador useless ma mudmod ng pera hindi mo kakayanin iyan. Hindi mo kakayanin
na mag vote buy sa national scale dahil napakalaking pera. Ang gastos mo pag
ikaw ang tatakbong senador ads. Kaya sino ang nanga-nga-lampag sa survey iyong
maaga pa lang nag ads na iyong mga walang palya nandiyan iyong advertisement.
So walang pagkakaiba sa pagbebenta ng softdrinks sa pagbenta ng sino dapat
maging senators. Nakakasalalay po iyan sa ads”.
Enriquez: “Halimbawa
gumastos nga kayo ng P500 milyon pero may mga negosyante na nag-aambag bilang
parang tinatayaan ang kandidato?”
Roque: “Alam mo sa totoo lang nang araw na pupunta
ako sa Commission on Election para mag withdraw tatlong tycoons ang nag text sa
akin na kunin mo na ang tulong namin para sa iyo…”
Nakakatuwa talaga is Attorney Roque. Naala-ala ko tuloy si Senator Ruding Ganzon noong pinatakbo siya ni President Ferdinand Marcos noong early 1980s para labanan siya dahil ayaw ng mga oposisyon kumasa dahil sa reputasyon niya sa pandaraya.
Senatorial candidate Ramon "Bong" Revilla (extreme right) in a budot dance with his wife and son. Photo Credit: Kami.com.Ph |
Habang ako at ang mga magulang at kapatid ko ay nakatutok sa
transistor radio, ito ang sinabi ni Ganzon –isang tikalon na Ilonggo na katulad
ko – sa Marbel (now Koronadal City), South Cotabato.
“Kanina habang
lumilipad kami ng thirty thousand feet papunta dito nasira ang makina ng
eroplano. Kaya pinababa kami ng piloto para itulak ang “linintian nga eroplano,”
pasigaw at buong yabang na iniulat ni Ganzon sa salitang Ilonggo sa mga
humihiyaw at humahalakhak na masa.
Noong late 1970s, isang Assemblyman candidate (equivalent sa
present congressman natin) sa lalawigang North Cotabato namin ay nagdala ng mga
B list actors o di na gaanong kasikat na Actors and Actresses pang akit sa mga tao na
dagsain ang rally. First time ko noon makakita ng national comedian na
napapanood ko lang sa dalawang sinihan sa bayan kong M’lang. Siya si Ernesto
“Don Pepot” Fajardo na lumisan na sa daigdigang ito noong isang buwan.
Hayaan na lang natin na magmukhang payaso ang mga national
candidate natin para sa May 9 election. Basta tandaan ninyo ang labanan sa
senatorial o presidential ay nakasalalay sa datung ng isang kandidato pambayad
sa TV ads. Kung kulang ang budget mo sa advertisement, talo ka! Iyan ang
tandaan ninyo.
READ MY OTHER BLOG:
Scathing Political TV Ads
Follow me on Twitter Send me a secure tip.
MORTZ C. ORTIGOZA
I am a twenty years seasoned Op-Ed Political Writer in various newspapers and Blogger exposing government corruptions, public officials's idiocy and hypocrisies, and analyzing local and international issues. I have a master’s degree in Public Administration and professional government eligibility. I taught for a decade Political Science and Economics in universities in Metro Manila and cities of Urdaneta, Pangasinan and Dagupan. Follow me on Twitter @totoMortz or email me at totomortz@yahoo.com.
No comments:
Post a Comment