Monday, February 7, 2022

Binmaley Mayorship Bet Idiniin Na No. 1 Siya

 

Tikom sa Multi - Milyones Peso na Pondo

By Mortz C. Ortigoza

BINMALEY, Pangasinan - Kahit idiniin niya na siya ang nangunguna  sa tatlong katungali niya sa halalang mayoralty, tikom pa rin ang bibig ni Binmaley Vice Mayor Edgar C. Mamenta kung ilang multi-milyones ang ibinigay sa kanya ng opposition party para durugin ang pamamayagpag ng mga Rosario sa bayan na ito.

“Apat kaming tumatakbo para alkalde pero ako pa rin ang nasa itaas,” ani incumbent Vice Mayor Mamenta.

Noong nakaraan na taon kumpiyansang hinamon ni Mamenta ang writer na ito na randomly na magtanong sa limang katao  na makasalubong niya kung sino ang mananalo sa May 9 poll.

 “Sasabihin ng tatlo sa lima na ibuboto nila ako sa darating na eleksiyon,” ani nito.

BINMALEY MAYORALTY BETS. Vice Mayor Edgar Mamenta (Nationalista Party) (top left photo clockwise), Barangay Liga President  Jonas Rosario (PDP-Laban), Vincent Thomas Castro (Independent), and former Vice Mayor Pedro Merrera (Partido Pederal ng Maharlika).

Si Mamenta (Nationalista Party) ay lumalaban kena Vincent Thomas Castro (Independent) former Vice Mayor Pedro Merrera (Partido Pederal ng Maharlika), at Barangay Liga President Jonas Rosario (PDP-Laban).

Si Jonas ay anak ni exiting Mayor Rosario na kasalukuyang tumatakbo sa pagiging vice mayor dito.

Noong unang nakapanayam ng writer na ito si Mamenta, sinabi nito na ang paghiwalay nila ni outgoing Mayor Sam Rosario ay pumutok noong pumirma siya sa isang manifesto na kinukwestiyon ang mahigit hundreds of millions of pesos na market building na ipinatayo ng Rosario Administration.

Ani nagalit sa kanya si Rosario kung bakit siya nakikialam sa higanteng proyekto nito.

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Maminta sa Northern Watch Newspaper na siya ang piniling kandidato ni Second District congressional candidate Mark Cojuangco para sa May 9, 2022 election.

Si dating Fifth District Rep. Cojuangco- isang bilyonaryo - ay kilalang galanting kandidato. Siya ay nakikipagbunuan kay reelective Congressman Jumel Anthony Espino sa boto ng mahigit kumulang 240, 000 voters ng eight towns’ Second District.

Noong makita ni Maminta ang headline ng diyaryong ito na Espino’s Mayor Defects to the Camp of Cojuangco, Guico at larawan nila Cojuangco, governorship candidate Ramon “Mon-mon” Guico, III, Mayor Arenas, at mga supporters, aniya andoon siya noong kumalas si Arenas sa mga Espino at lumipat sa poder ni Cojuangco at opposition governorship candidate Guico.

Ang ama at kuya ni Congressman Espino ay dati at kasalukuyang gobernador ng Pangasinan.

Napangiti lang si Mamenta noong ipinipilit ng writer na ito kung sino ang susunod na mayor na lulundag sa kampo nila Cojuangco at Guico.

No comments:

Post a Comment