By Mortz C. Ortigoza
LINGAYEN, Pangasinan – Hindi pa alam ni congressional
candidate Mark Cojuangco kung gaano kalaki ang kanyang kayamanan matapos namayapa
ang kanyang amang business mogul.
“But now it changed I’m sure with the demise of my father just a year and half ago. So I don’t know my net worth is until matapos ang pag-uusap ng pamilya kung papaano ang paghahati ng yaman ng aking ama. Hindi namin malalaman kung ano ang networth namin. So I leave just like that,” ani former Fifth District Congressman Cojuangco noong kapanayamin siya ng kanyang staff sa isang Google search game sa Facebook kung magkano ang kanyang financial network.
COJUANGCOS. Pangasinan
Second District congressional candidate Mark Cojuangco (left) and his late
father business mogul Eduardo “Danding” Cojuangco.
Si Marcos Juan Bruno "Mark" Oppen Cojuangco
ay tumatakbo bilang kinatawan ng Kongreso sa Second District sa
Pangasinan. Isa siya sa apat na anak ni
politician at businessman Eduardo “Danding” Cojuangco ng Tarlac at ni Soledad
"Gretchen" Oppen ng Negros Occidental. Sila ay pinagpala sa apat na
anak na sina Margarita "Tina" Cojuangco Barrera, Luisa
"Lisa" Cojuangco-Cruz, Carlos "Charlie" Cojuangco, at Mark.
Ang nakakatandang Cojuangco ay lumisan sa mundong ito noong June
16, 2020.
Si Eduardo Murphy Cojuangco ay naging chairman at chief
executive officer ng dambuhalang San Miguel Corporation – isa sa pinakamalaking
food and beverage corporation sa Southeast Asia.
Ayon sa 2016 Forbes Magazine, siya ay may U. S$1.16 billion
(PhP52,161,440,000) personal wealth. Bukod sa SMC, si Eduardo ay nagmamay-ari
ng private cement manufacturing business, orchards, stud farms at wineries sa
Australia.
Ani ng nakakabatang Cojuangco ang huling pag file niya ng
kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ay noon pang
2010.
“When I was a
Congressman I had to file my SALN. The last time I filed (was) 2010. I
graduated from Congress in 2010. It was upward of P75 million at that time. It
did not change much through the years”.
Hinahamon ni Cojuangco para sa May 9, 2022 election si reelective Congressman Jumel
Anthony Espino sa 514,041 populated district. Ang eight towns na distrito ay
may higit kumulang 240, 000 voters.
READ MY OTHER BLOG:
No comments:
Post a Comment