HINDI TOTOO ANG PARATANG SA 2 SASAKYAN
By Mortz C. Ortigoza
BINMALEY – Pinabulaanan ni mayorship candidate Edgar Mamenta
ng bayan na ito na tinangal siya sa partido ni congressional candidate Mark Cojuangco
dahil ibinili daw niya ng dalawang bagong sasakyan ang financial na ayuda na
ibinigay ng huli sa kanya.
Ang mga patutsada kay Mamenta ay ibinunyag nga mga reporters sa radio at newspaper sa Pangasinan.
“Hahahaha! Wala pa
naman silang (Cojuangco) binigay. Bakit naman ako bibili ng sasakyan ko? Practice ko na iyan Sir”.
Ani ng kasalukuyang nakaupong vice mayor na bumili siya ng isang sasakyan niya dahil katatapos lang niyang bayaran ng installment ang biniling lumang kotse.
NO SACKING. Pangasinan
Second District congressional candidate Mark O. Cojuangco and the province’s
governorship bet Ramon “Monmon” Guico, III (extreme left and extreme right,
respectively) raise the hands of Binmaley mayorship candidate Vice Mayor Edgar
Mamenta. Mamenta denied to this newspaper that he was sacked by Cojuangco in
his line up in the District.
Giit niya hindi siya tinangal bagkus sinabi pa ni Cojuangco
na masuwerte siya na nakilala ang kasalukuyang Vice Mayor dahil may kasangga
siya dito 33 barangays na bayan sa Second Congressional District ng Pangasinan.
“Hindi. Bakit ako
tatangalin ni M.O.C sa line up nya. Siya na rin ang nagsabi masuwerti kami dahil
may Mamenta na tinutungtungan namin dito sa bayan. Alam mo naman sa suwerte
talaga ano si M.O.C nabigyan niya ako ng pagkakataon noong October 7 nakilala
ko nagkita kami diyan sa Bo’s Coffee sa Dagupan City. Nag pa file ng CoC si Governor (Ramon
“Monmon”) Guico (III) dumiretso kami sa Palasyo ni Arsobispo Socrates Villegas”.
Masuwerte rin siya na makilala sa palasyo ni Catholic
Archbishop Villegas si Cojuangco sa Dagupan City ang tumatakbong kongresman na
anak ng namayapang business mogul na si Eduardo “Danding” Cojuangco.
“Sabi ni Governor
Guico: Congressman Art (Celeste), Congressman Mark iyan si Mamenta. Nakatayo
lang ako siyempre ordinaryong tao lang ako. Pumunta siya sa akin siyempre
sinalubong ko. “Sir good morning”. “Mamenta puwede ba ako sa iyo?” Isang
karangalan na magsabi ang isang mayamang bilyonaryong tao. Alam mo ang ginawa
ko? Nagmano ako sa kanya. Ako ang nagpasalamat kay Cong. Mark Cojuangco”.
Kahit na certificate of nomination and acceptance (CONA)
galing sa Nationalista Party, binigyan pa rin siya ni Cojuangco ng CONA na
guest candidate ng Nationalist People’s Coalition. Ang NPC ay partido na
pinangungunahan ng pamilya ni Cojuangco,
“Kaya masuwerte ako sa
bayan ng Binmaley kaya iyong sinasabi nila (tinanggal) hayaan mo na lang iyan”.
No comments:
Post a Comment