Wednesday, October 27, 2021

Wise ang Pabaha ni Pacquiao ng P21-M sa Batangas, Dagupan

 

By Mortz C. Ortigoza

Tama lang ba ang pamumudmod ni presidential bet Manny Pacquiao ng tig P1, 500 cash at goods kada isa sa eight thousands na tao sa Batangas at Dagupan Cities?


Ang sagot ko:
Mura lang iyang halagang P12 million (7,000 at 1,000 katao sa Batangas at sa Dagupan multiplied by P1,000 and P500 food) sa isang may pera na presidential candidate. 

Sa GMA 7 national televsion four times a day 30 seconds advertisement ay nagkakahalaga na ng P1.5 M ang gagastusin niya. Limang araw na political ads lang iyan sa nasabing television. Mas mataas ang media hype ng pabaha ng pera sa mga tumitili, sumisigaw, at nagtutulakan na masa na mostly bobotantes.

 Iyang pamumudmud niya ng tig P1000 mas pinaguusapan iyan ng mga tao at mga media men sa radyo at sa TV ng ilang linggo. Nakaka piggy back siya diyan at walang bayad iyan.

Iyong banat ng mga kalaban ni Manny na nagbu vote-buying siya ay baseless. Ang ginagawa ng Senador ay part ng Constitutional Freedom of Expression habang wala pa ang national campaign period sa February 8 to May 7, 2022.

 Okay lang iyan as long na hindi niya sinasabi na iboboto ninyo siya kapalit ng pera.

BUMABAHA ANG PERA. Si world boxing icon and presidential candidate Manny Pacquiao (top photo clockwise) habang namumudmod ng P1,000 bill kada isa sa 7,000 katao sa Batangas City noong October 16. Noong October 26 nakita uli ang only eight division boxing champion of the world na nagpapabaha ng tig P1,000 bill sa 1000 na tumitili at sumisigaw na mga maralita sa Dagupan City (left photo below). Pag sinuma ang pera, roasted chicken, at five kilong bigas na binigay niya ito ay aabot sa more or less P12 million. Ilang daang milyon pa ang gagastusin ng Senador sa mga piling 146 cities sa Pilipinas?


Kung sino man ang nag advice sa kanya ng ganitong pamamaraan para makakuha ng boto sa mga dukha ay magaling. Kung tumaas ng 5% and poll stocks ni only eight world division boxing champ of the world sa September this year survey of Pulse Asia ( pinakamataas na spike sa lahat ng presidential candidates), mas tataas pa ba ang poll rating ni Pacman sa November poll? Pag tumaas ng another 5 % si Manny P. baka mag top siya sa November as the next President of the Philippines.
Hindi ko na siya puweding paglaruan ng mga mahihirap na questions hahahaha sa mga press conference. Huhulihin na ako ng Presidential Security Group pag nanalo siyang PRESIDINTI!

****

Ito ang election offenses sa vote buying ayon sa Omnibus Election Code:

ARTICLE XXII.
Sec. 261. Prohibited Acts. - The following shall be guilty of an election offense

(a) Vote-buying and vote-selling. -

(1) Any person who gives, offers or promises money or anything of value, gives or promises any office or employment, franchise or grant, public or private, or makes or offers to make an expenditure, directly or indirectly, or cause an expenditure to be made to any person, association, corporation, entity, or community in order to induce anyone or the public in general to vote for or against any candidate or withhold his vote in the election, or to vote for or against any aspirant for the nomination or choice of a candidate in a convention or similar selection process of a political party.

                                                         ****

Kailan ba ang campaign period ng presidential and other national candidates? Di ba sa February 8 to May 7, 2022 ((Section 5 (a) R.R 7166 and Section 4, R.A. 7941).

Ano ang pinagbabawal dito ayon sa Section 109 ng Omnibus Election Code?

Prohibited donations by candidates, treasurers of parties or their agents. - No candidate, his or her spouse or any relative within the second civil degree of consanguinity or affinity, or his campaign manager, agent or representative shall during the campaign period, on the day before and on the day of the election, directly or indirectly, make any donation, contribution or gift in cash or in kind, or undertake or contribute to the construction or repair of roads, bridges, school buses, puericulture centers, medical clinics and hospitals, churches or chapels cement pavements, or any structure for public use or for the use of any religious or civic organization: Provided, That normal and customary religious dues or contributions, such as religious stipends, tithes or collections on Sundays or other designated collection days, as well as periodic payments for legitimate scholarships established and school contributions habitually made before the prohibited period, are excluded from the prohibition.

The same prohibition applies to treasurers, agents or representatives of any political party.

READ MY OTHER BLOG/COLUMN:

Vote Buying sa Eleksiyon, Paano?


No comments:

Post a Comment