By Mortz C. Ortigoza
AGUILAR, Pangasinan – Bawat isang barangay dito ay nakatangap kamakailan lang ng tag isang milyon peso na puting Mitsubishi Utility Van.
Sinabi ni Mayor Roldan “Boyet” Sagles na wala siyang pinili noong ibinigay niya ito sa 16 na barangays oposisyon man o suporter ang mga kapitan doon. Aniya ito ay para magamit nila ang sasakyan sa kanilang operasyon at sa mga iba’t ibang pangangailangan ng mga kanilang constituents.
UTILITY VEHICLES. Sixteen brand new L-300 Mitsubishi white utility vehicles have been turned over recently to 16 barangay leaders in Aguilar, Pangasinan by Mayor Roldan “Boyet” Sagles (right photo). Each of the village chiefs and their officials received the keys from the mayor as they posed for the customary pictorial at the multi-purpose gym of the rustic town. The village officials will be using the vehicles for public functions and social services of their constituents.
“Wala silang masasabi kasi lahat binigyan ko, di tayo namili. Kako nga sa kanila, ako hindi masyadong mapulitiko huwag ninyo akong pulitikuhin kasi para sa inyo naman iyan hinde para sa akin yan,” wika niya sa Northern Watch Newspaper.
Hinango niya ang halagang P16 million sa P32 million na IRA.
Sabi ng Alkalde hinde naman pinigilan ng mga miyembro ng halos oposisyon na Sanggunian Bayan ang balak niyang pagbili ng mga sasakyan.
“Wala ng kaso iyon,” ani niya matapos aprobahan din ng mga mambabatas ang mga projekyo niyang nakabinbin noong mga nakalipas na buwan at taon.
Mga ibang proyekto na nakamit na ng Administrasyong Sagles ay ang pagbili ng bagong dump truck, bagong ambulansiya – pandagdag sa isa dito – kung saan ang pondo ay galing sa P2.3 million na panalo ng bayan sa Seal of Good Governance noong isang taon, bagong plaza, bagong fire truck, bodega o building ng National Food Authority kung saan ang local government unit dito ay nag-donate ng lupang pagtitirikan nito, at iba pa.
Ani Sagles ang proposed year 2022 budget ng third class town sa susunod na taon ay P229, 812, 015 – lumubo ito ng P70 million kumpara sa kasalukuyang taon P160, 178, 604 budget.
“Our internal revenue allotment in 2021 is P160, 178,604.00 while it will increase to P222, 098,015.00 next year. Our local taxes in 2021 is P6, 917,000.00 our estimated local taxes in 2022 will be P7, 714, 000.00,” sabi niya.
Itong pag laki ng allocation na magbigay dagdag serbisyo sa mga taga Aguilar ay hahangu-in sa pinalawak na buwis na masisingil ng national government ayon sa Mandanas Ruling ng Korte Suprema.
No comments:
Post a Comment