By Mortz C. Ortigoza
Filing na ng certificate of candidacy (CoC) sa October 1 to 8, 2022 ng mga tatakbo para sa Pangulo ng Pilipinas, Senador, Kongressman, Gobernador, Mayor, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Panlungsod, at Lalawigan.
Masaya na naman ang sambayanang Pilipino lalo na ang mga bobotantes at voters- for- sale. Makakatangap na naman sila ng datung na galing sa mga galanteng kandidato.
Dito
sa lungsod namin, noong tumakbo ang dalawang kandidatong mayors na
mga big time businessmen, isang buwan bago mag May 13, 2019 election
estimate ko mga tag P4,000 rin bawat isa sa kanila ang pinamudmud sa
karamihan sa mahigit 119, 164 voters (November 2018 Comelec’s data)
ng siyudad.
Photo is grabbed by this blog from the internet |
Mga magkano iyon? Tag P333,659,200 sila kung sumahin natin ang 70 percent of 83,415 voters ng botante na binili. Magkano ang suweldo monthly ng incumbent City Mayor? Nakakalungkot na more or less P150,000 monthly.
Nakakalulang P333,659,200 kontra sa P5,850,000 sa tatlong taong kasama na ang 13th months pay serbisyo sa masa! Anyari?
Sa dami ng pera anak ng bakang dalaga na bumaha na parang dilubyo, nalimas lahat ng stocks at benta ng Jollibee, McDonald, Chowking, 7-11 sa dami ng mga bumili. Ang hindi lang naubos ang Filet-O-Fish ng McDo kasi French sounding ang hamburger na isda ang palaman. Natakot ang mga taga barrio at squatters baka mag-ta-e sila sa mala imported na pagkain na hindi pa nila natikman sa tanang buhay nila hahaha!
Pati flat screen TV at supply ng shabu ayon sa intel ng pulisya nalimas din sa malang unos na dumating.
“Anlaki naman ng bilihan ng boto sa inyo! Noong ako tumakbo tag P200 lang ang bili namin ng boto,” ani ng isang batang Mayor sa Pangasinan noong bumisita ako sa opisina niya at napag usapan namin ang 2022 Election.
Aniya iyong katabing siyudad nilang malaki tag P300 lang kada isa ng botante ang bilihan.
“Mortz, kung gusto mong manalo sa reelection mo, mangurakot ka na pagkaupo mo para maka ipon ka para manalo ka uli,” ika sa akin ng isa ring Mayor sa Central Pangasinan habang nagkakape kami.
Ani niya, galing ang pera nila sa share as elective politicians sa jueteng (illegal number games), S.O.P o cut sa mga infrastructure projects na galing sa 20 percent development fund ng annual budget ng local government unit, at iba pa gaya ng mga suweldo ng mga ghost workers.
(Read my political blog about the details how How Mayor, Guv, Solon Steal to Fund Their Election)
“Iyong Tiyo ng misis ko sa Mangaldan noong matapos ang pinakamahabang term niya nagkawindang windang ang buhay ng pamilya, pati ancestral home na isanla dahil sa reelection niya,” ika ni Bong na manager ng isang napakalaking negosyo sa Urdaneta City.
“Iyong pamangkin ng mother-in-law ko sa Calasiao, matagal naging mayor. Pero ayon lumalakad sa kalsada nanghihingi ng abuloy sa mga kakilala. Bukod sa sabungero sabi nila na bunkrupt sa kaka-takbo sa pagka Alkalde,” sagot ko naman.
Iyong ibang mayor bukod sa pangungurakot, ginamit ang posisyon para makapag patayo ng mga gas stations, memorial parks, iyong iba sinusunog pa ang palengke para makapag loan ng hundreds of million of pesos kung saan kukuha sila ng cut sa contractors para pambili uli ng boto sa re-election.
Bad talaga maging pulitiko. Tama iyong sabi ni Best Actor at the Venice Film Festival 2021 (On The Job: The Missing 8) John Arcilla:
"Mas
naiintindihan ko pa at mapapatawad iyong mga mahihirap na napilitan
magnakaw dahil sa gutom at kagipitan kaysa doon
sa mga taong may mataas na pinag-aralan at katungkulan pero
nagnanakaw sa bayan."
"Botante ka? Iligtas mo
ang bayan natin. Hindi po ako kandidato, Nagpapaalala lang."
Tama ba si Arcilla sa sinabi niya?
Siya iyong lead actor sa pelikulang Antonio Luna na isinabuhay ang Put*ng Ina na pakikibaka ni Heneral Luna laban sa masasama.
“Goyong (General Emilio Aguinaldo), putang ina mo, tignan mo ginawa mo sa kanya!” ani ni Luna sa naging First President ng Pinas na nakikipag collaborate - gaya ng mga Aquinos ng Tarlac at Laurels ng Batangas sa Hapon - sa mga Amerkanong mananakop.
(Read my blog/column on My critique on the film "Heneral Luna")
Put*ng ina talaga itong mga pulitiko. Buti na lang iyong iba gaya sa sinabi ko sa itaas nakakarma dahil mga kawatan sila hahaha.
The Lethal, Costly Weapons of a Cobra
MORTZ C. ORTIGOZA
I am a twenty years seasoned Op-Ed Political Writer in various newspapers and Blogger exposing government corruptions, public officials's idiocy and hypocrisies, and analyzing local and international issues. I have a master’s degree in Public Administration and professional government eligibility. I taught for a decade Political Science and Economics in universities in Metro Manila and cities of Urdaneta, Pangasinan and Dagupan. Follow me on Twitter @totoMortz or email me at totomortz@yahoo.com.
No comments:
Post a Comment