By CONG. TOFF DE VENECIA
Nag-turnover po tayo kamakailan ng mga gamot sa Manaoag at San Jacinto Rural Health Unit. Siguradong makakatulong ito sa mga Kabaleyan nating may mga karamdaman at nangangailangan ng mga ito. Importante na mapangalagaan natin ang ating kalusugan lalo na ngayong may pandemya.
Sisiguraduhin po ng inyong lingkod na itutuloy-tuloy natin ang pagbibigay ng tulong sa mga RHU para sa kalusugan ng buong Kwatro Distrito. Asahan po ninyo 'yan, mga Kabaleyan!
***
Magandang viewpoint at tambayan sa taas ng ating Biker's Den!
Tulad ng pangalan ng lugar na 'to, ang Mini Paradise sa Gumot, San Fabian ay parang kapiraso ng paraiso dahil sa simoy ng hangin, mga art installations, at figurines na nandito. Partida, lahat ng mga art works na nandito ay recycled! May viewing deck din kung saan makikita natin ang napakagandang tanawin ng minamahal nating Kwatro Distrito.
Madaming mga bikers ang dumadayo para makapagpahinga at makapagrelax pagkatapos ng uphill at off-road tracks paakyat dito. Sulit ang padyak lalung-lalo na dahil 5 pesos lang ang entrance fee at siguradong babalik balikan niyo 'to dahil napakasarap talaga ng simoy ng hangin pag nasa itaas ng bundok.
Nakakaproud na ipasyal ang ating mga bisita na sina RD Jeff Ortega at Tourism Office Malou Elduayan sa mga natatagong tourist spots ng ating Distrito!
Nakapunta na ba kayo sa Mini Paradise, mga Kabaleyan?
***
Ang ating pinapanukalang batas na HB 8817 o "AN ACT PROVIDING PROTECTION FOR FREELANCERS" ay naipasa na sa 2nd reading!
Ang batas na ito ay naglalayong maproteksyunan ang mga Filipino freelancers at ma-define ang kanilang mga karapatan sa kontrata, sa mga reklamo, at mga benepisyo na dapat tinatamasa nila. Ito din ay nagbibigay ng probisyon sa pagsasagawa ng kampanya sa pagpapakalat ng impormasyon sa pag rerehistro sa BIR at lahat ng mga dapat nilang malaman bilang isang freelancer.
Kaagapay po ng mga Freelancers ang inyong lingkod. Bilang naging isa din po tayong freelancer dati, alam po natin ang mga kailangan nila at ang mga hinaing ng bawat isa. Asahan po ninyo na ating isusulong sa Kongreso ang panukalang ito na siguradong makakapagbigay ng ginhawa sa mga minamahal nating mga freelancers.
No comments:
Post a Comment