Isang malaking karangalan na maituturing ni Pangasinan 4th District Congressman Christopher “ Toff” de Venecia na maging cover ng The Sunday Times, ang magazine ng Manila Times, bilang pagkilala sa kanyang galing sa magka ibang mundo ng sining at pulitika.
Sa isang napakagandang artikulo na nailathala noong Linggo, Agosto 23 na sinulat ni Cristina Alpad na may pamagat na “FROM THEATER STAGE TO THE HOUSE OF REPRESENTATIVES, Millennial Congressman Christopher ‘Toff’ de Venecia finds his place in the sun”, binanggit doon ang husay ng kongresista upang makamit ang tagumpay sa teatro at bilang isang mambabatas.
Si Congressman Toff de Venecia na isang millenial ay naging marketing professional, columnist, magazine and newspaper editor, theater director and producer bago sya unang nahalal sa Kongreso noong 2016.
PASSION. From passion for the arts to passion for public service, Pangasinan Fourth District Congressman Christopher ‘Toff’ de Venecia takes a 180-degree turn to serve his constituents as Pangasinan 4th District Representative. (Photo Credit: Manila Times) |
Ibinahagi din ni Cong Toff sa artikulong ito kung papaano sya nagsimula sa teatro na dati nang kinahiligan ng kanyang kapatid na si KC bago ito nasawi sa isang sunog na tumupok sa kanilang bahay ilang taon na ang nakararaan.
Yun ang nagsilbing koneksyon nila sa isa’t-isa na hanggang maging “passion “ na ng millennial solon at hanggang ngayon ay kinagigiliwan niya itong gawin.
Hindi naman nakapagtataka kung bakit parehong matagumpay sa teatro at sa larangan ng pulitika si Cong Toff dahil nasa lahi na nya ito bilang anak ng dating five-time Speaker of the House of Representatives na si Speaker JDV at ang ina naman nya ay si dating Congresswoman Manay Gina de Venecia na pagmama may-ari naman ng kanilang pamilya ang sikat na sikat na production company, ang Sampaguita Pictures, noong Golden Age of Philippine Cinema.
Binanggit ni De Venecia ang kanyang mga pangunahing isinusulong na legislative agenda bilang kongresista kagaya ng turismo at agrikultura at ang pinakabago ay ang creative industries.
At upang mas maihanda nya ang kanyang sarili sa mga hamon na kanyang haharapin sa kanyang napiling larangan ay minabuti nitong kumuha ng Harvard Kennedy School Executive Course.
Sa turismo, nariyan ang mga magagandang proyektong kanyang ipinatayo gaya ng baywalk sa Tondaligan Beach sa Dagupan hanggang sa San Fabian, ang Bikers’ Den sa San Fabian, at kung hindi sana nagka COVID pandemic ay ang Promenade sa may Pantal River sa Dagupan na kahalintulad ng pamosong Esplanade sa Iloilo.
Sa agrikultura ay isinulong nya ang Magna Carta of Young Farmers.
Masaya rin niyang ibinalita sa kanyang interview para sa artikulo ng Sunday Times na may grupo ang mga kongresista na kasama sya na nagsusulong ng arts and culture at creative industries.
Mula 12 hanggang 15 miyembro na may koneksyon sa showbusiness, ang kanilang grupo na tinatawag na Arts and Culture and Creative Industries Bloc o ACCIB, ay dumami na sa 30 na may iba’t-ibang kakayahan at pananaw sa larangang ito.
Bilang unang hakbang ay naghain na rin si Cong Toff ng House Bill No. 3951 o ang Freelance Protection Act sa kasalukuyang 18th Congress bago pa nag-umpisa itong pandemya. Layunin ng panukalang batas na iyo na bigyan ng hazard pay at night-shift differential ang mga freelance artists.
Aniya, lahat ng nagawa niyang trabaho mula sa teatro hanggang sa kanyang kurso sa kolehiyo na Political Science, sa kanyang trabaho sa publishing hanggang marketing, lahat ng kakayahang kanyang nakamtan ay nagagamit niya ngayon sa kanyang tungkulin bilang isang millennial congressman.
Bagama’t hindi nya ito inaasahan ay tunay namang proud sya sa mga nagawa na niyang trabaho sa mga nakalipas na panahon.
Aniya, “You don’t always have to follow your passion, but you can always channel your passion in everything that you do.”
No comments:
Post a Comment