Nitong nakalipas na mga araw, ay ininspeksyon ni Congressman TOFF DE VENECIA ang mga infrastructure at flood control projects, na puspusan na ang pagpapatuloy sa Quatro Distrito.
Pansamantalang nahinto ang paggawa sa mga ito dahil sa dumating na CoVid19 na pandemya. Katulad na lang ng access road na ginagawa sa baybayin ng ide-develop niyang Angalacan River Eco -tourism Park sa Mangaldan, Pangasinan. Dapat sana ay tapos na ito ngayong Oktubre, pero dahil nahinto ang paggawa dahil sa pandemya, sa Enero na ng susunod na taon ang nakatakdang pagtatapos nito, ayon kay Engineer Editha Manuel ng 2nd District ng DPWH, na isa sa kasama ng kongresista sa isinagawang inspeksyon. Kasama rin nila sa naturang pagbisita si Engineer Amelia Zamudio mula sa regional office ng DPWH.
Ang ginagawang access road sa Mangaldan ay may habang 1,671 meters, at babaybay sa Angalacan River, mula sa barangay Embarcadero patungo sa barangay Nibaliw, Tebag, Salaan, Pogo at Palua.
Ang proyektong ito ay inisyatibo ng kongresista, kaugnay ng kanyang programa na maiangat ang turismo sa Quatro Distrito.
Kaugnay nito, buong puso ang pasasalamat ng kongresista sa Department of Tourism na hiningan niya ng pondo para magawa ito; sa DPWH Second Engineering Office, na gumagawa nito; kay dating Mangaldan Mayor Bonafe De Vera Parayno na unang sumuporta sa nasabing proyekto; at sa incumbent Mayor ng Mangaldan, Marlyn Lambino, na sumuporta sa pagpapatuloy ng nasabing proyekto.
Ang pagtapos sa proyektong ito ay hudyat sa pag-develop sa Mangaldan bilang isang tourism spot sa lalawigan. Ilan pa sa plano ng kongresista ang pag-develop sa industriya ng pindang, health and wellness at bolo-making industries, para isulong ang turismo sa naturang bayan.
No comments:
Post a Comment