Halos araw-araw may
brownout sa iba’t ibang parte ng ating bati, pati na dito sa ating lalawigan.
Kung hindi gagawa ng hakbang ating gobyerno, baka maulit yong power crisis
noong panahon ng panunungkulan ni Pangulong Corazon Aquino na halos araw-araw
ay brownout na nagtatagal mula lima hanggng sampung oras.
Kaya
pag-upo ni Pangulong Fidel Ramos ang paglutas sa naturang krisis sa kuryente
ang isa sa mga top priorities ng kanyang administrasyon. Ang paglutas ng
naturang problema ang isa sa mga matibay at makahulugang legacy ng Ramos
Administration. Pinagtuonan ng pansin ni FVR ang pagpapatayo ng karagdagang
power plant, kabilang na ang Sual Coal-Fired Power Plant na may generating
capacity na 1,200 megawatts at ang San Roque Hydropower plant na may generating
capacity na humigit-kumulang sa 300 megawatts.
Sa
pamamagitan ng mga bagong power plant, nabigyan ng solusyon ni President FVR
ang matinding power crisis sa bansa.
Pero ngayon, sinasabi ng mga dalubhasa sa larangan ng energhiya na napipintong
magaganap uli ang power crisis kung walang maipapatayong karagdagang power
plant.
Isipin
natin, marami sa mga existing power plant ang malapit ng mag-expire. Katulad na
lamang ng Sual Power Plant na noon pang 1996. Ang planning sa naturang power
plant ay nagsimula noong 1992.
Sinasabing ang average life span ng isang power plant ay 40 years kung
kaya’t meron na lamang natitirang 7 years bago na-decommission ang naturang
planta. Apat hanggang limang taon ang kailangan para sa pagplano at pagpapatayo
ng isang power plant, mas higit pa kung ito ay hydropower plant.
Hindi
kataka-taka na halos karamihan sa mga power plant sa bansa ay mailimit na ang maintenance
work sa mga ito na siyang isa sa mga malaking dahilan kung bakit madalas
nagaganap ang brownout o power interruption.
Kung kaya’t napipintong mangyaring muli ang power krisis noong panahon
ni President Corazon Aquino kung walang karagdagang power plant ang tatayo,
lalo lalo na ang coal-fired.
Ito
ang dahilang kung bakit ang mga utility experts tulad ni Ginoong Allan Ortiz,
dating pangulo ng National Grid Corporation of the Philippines, at maging si
dating Senate president Juan Ponce Enrile ang nagsasabing kinakailangan na ng
ating bansa ang magpapatayo ng karagdagang power plant, ngayon na! Sinabi nila
na hindi lamang mga skyway, tulay, subsay at ibang malalaking infrastructure
projects ang gagawin ng gobyerno kundi kailangan din natin ang BUILD, BUILD,
BUILD program sa mga baong power plant katulad ng pangalawang coal-fired power
plant sa bayan ng Sual na may generating capacity na 1,000 megawatts.
Ang
naturang proyekto na binabalak na ipatayo ng Korean Electric Power Corporation
ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa two billion US dollars. Ang
state-of-the-art coal-fired power plant ay gagamitan ng advanced technology
upang maiwasan ang pollution.
Ito ay ikinatuwa ng maraming mamamayan ng bayan ng
Sual dahil nangangahulugan ito ng dagdag na humigit-kumukulang sa dalawang
libong trabaho sa mga mamamayan doon.
Magkakaroon din ng humigit-kumulang na P800 million
karagdagang revenue bawat taon para sa probinsiya, sa bayan ng Sual, at
Barangay Baquioen na kung saan planong ipapatayo ang naturang planta ng
kuryente.
Sumang-ayon din ang project proponent na bigyan ng
discount sa singil ng kuryente ang bayan ng Sual bilang host municipality.
Sa pamamagitan ng karagdagang pondo na manggagaling
sa pangalawang power plant, maipapatupad ng municipal government ang mga
mahalagang proyekto tulad ng hospital, seaport, agricultural modernization,
expanded scholarship program para sa kabataan, resettlement project para sa
lahat ng informal settlers, at iba pa.
Ang bayan ng Sual ay
binansagang Energy City of Pangasinan sa pamamagitan ng resolution ng
Sangguniang Panlalawigan na suportado ni Governor Amado Pogi Espino III.
No comments:
Post a Comment