Thursday, June 22, 2017

Marawi, arawi!


NI KITZ BASILA
MAPANGANIB na lugar sa ngayon ang Marawi, pati ang Kapitolyo ng Lanao Sur. Pero, ang bawi ng mga Pangasinense, ‘arawi’ so Marawi!
HIDWAAN sa ipinaglalaban ang digmaang nagaganap sa Marawi, ayon na rin sa mga naihahayag sa balita. Pero, ang tantiya ng mga Pangasinense, ‘arawi’ ed paninisiya so gapu (malayo sa paniniwala o belief).

MAHIWAGA raw ang lokal na rebelde na ngayon ay pumepeste sa kabuhayan, kabahayan, katiwasayan at katwiran ng Marawi, dahil sa konting-bilang kontra Military ay perwisyo-todo ang isusukli sa labanan. Pero, mas mahiwaga raw ang mga Pangasinense, kasi ‘arawi’ so Marawi sa kanila.

PAGLABAN na walang katiyakan ang ibinubuyangyang ng gulo na inumpisahan ng mga rebelde sa Marawi. Pero, ang ipinaglalaban na laban ay ‘arawi’ ed karunungan say nga ng mga ilan na Pangasinense!

So far ang marawi, arawi so Marawi, so pray for Marawi!
**************
Araw ni Rizal, bumati ka ba?

HAPPY FATHER’s day! Maugong na pagbati tuwing sumasapit ang linggo na alinsabay sa kaarawan ni Gatpuno Jose Rizal.
Si Jose Rizal ay turing na pambansang bayani. Habang ang father ay pam-pamilyang bayani.
Kailan nga ba ang birthday ni National hero Jose Rizal? Eh, kailan kinikilala ang kadakilaan ni Itay, Tatay, Papa, Daddy o Ama ng Pamilya?
Sabi nga, bumati ka ba kay Jose Rizal? Kay Ama na pinagmulan may inilaan bang pagbati?
Ewan kung maaantig ang iyong kamalayan na kung bakit isinabay ang Father’s Day sa Jose Rizal’s birthday, bakit nga ba?
Teka, alam mo ba talaga ang iyong hero na maituturing, Ask lang?

No comments:

Post a Comment