Papalapit na nga po ang eleksyon. Iisa lang po ang ibig sabihin niyan: kailangan na naman po ninyong pumili kung saang direksyon tutungo ang ating bayan. Ang hamon nga po sa atin:
Magpapalinlang ba ulit ang Pangasinan sa mga binuburong pangako ng ilang pulitiko na panay anumalya't katiwalian ang idinulot sa inyong lalawigan?
O papanig kayo sa paglilingkod na may tunay na malasakit sa Pangasinan, at nasa tamang lugar ang puso sa pagseserbisyo?”
“Ang tanong ngayon: gusto ba ng Pangasinan na magpatuloy ang arangkada ng ating mga reporma? O mas nanaisin ninyong mag-U-turn ang inyong probinsya?
Saksi kayo kung gaano kasalimuot ang magkaroon ng pinunong puro paninindak, puro katiwalian, at palaging isinasangkalan ang interes ng lalawigan para sa pansariling kapakanan.
May pagkakataon kayo ngayon na baguhin ang umiiral na sistema sa inyong probinsya; may pagkakataon kayo ngayon na ibahagi sa buong lalawigan ng Pangasinan ang mga reporma't mabubuting bagay na nangyayari sa Alaminos, dahil sa subok nang pamumuno ng ating magiging gobernador Nani Braganza. Simple lamang po ang panata ni Nani bilang inyong susunod na Gobernador: paglilingkod na walang halong sugal o tsamba, walang halong ilegal o katiwalian, walang halong sindak at karahasan. Sa halip, tuloy-tuloy na pagsisikap, tuloy-tuloy na tapat at may malasakit na pamamalakad sa buong Pangasinan. Iyan po si Nani Braganza.”
“Kasamahan ko ho ito sa Kongreso, pero nauna yata siya sa akin sa Kongreso. Ibig sabihin po sa Ingles noon, he is my senior. Ewan ko lang ‘yung public service and in looks, bahala na ho kayong magdesisyon. Pero iyon nga ho ang pagkakilala ko dito kay Nani, madaling kausap, maliwanag kausap, iisa ang salita. Iyan po, hindi tayo mag-aatubili, pagdating ng panahon, may problema kayo, isang tawag lang ni Nani, kikilos na kung sinuman ang kailangang kumilos.”
“Napakalaki po talaga ng potensyal ng Pangasinan, at sa darating na halalan, nakasalalay sa inyong boto kung ang potensyal na ito ay magagamit para bigyang lakas ang mga Pangasinense, o kung masasayang lamang ito sa kasakiman ng ilang makapangyarihan. Ipakita po nating hindi nadadaan sa impluwensya, at hindi nabibili ng ilang mamisong barya ang kinabukasan ng inyong probinsya.
Iluklok natin sa kapitolyo ang pinunong nasa tamang lugar ang puso, at ang tanging tuon ay ang pagsilbihan kayo, at ang lahat ng Pilipino. Tiwala po akong hindi tayo madidiskaril sa landas ng tuwid at tapat na paglilingkod dahil may mga Pangasinense tayong kasabay na humahakbang tungo sa katuparan ng ating mga pangarap.”
“Kapag meron tayong ulit, namamahala sa atin, magiging partner ko dito, maluwang maghanap ng pondo, dahil gagamitin sa tama, palakihin ang mga pagkakataon para sa mga Pangasinense. Hindi po panaginip iyan. Puwedeng mangyari iyan, siyempre ang susi, kayo, kayo po ang mga boss, kayong magsasabi sa inyong utusan saan tayo tutungo, malaman natin sa halalan.”
No comments:
Post a Comment