Rep. Gina de Venecia |
Namigay ng higit sa apat na milyong pondo si Manay Gina de Venecia, para sa feeding program ng mga kabataang mag-aaral sa pampublikong paaralan sa ika-apat na distrito. Ang pondo, worth P4,067,240 ay nagmula sa kanyang Special Feeding Program Fund sa Kongreso. Katuwang nya sa pagsasagawa ng nasabing feeding program ang DSWD ng bawat bayan at ang Department of Education- Pangasinan II.
Sa seremonya nitong Biyernes sa kanyang tahanan sa Bonuan Binloc, ibinigay ng kongresista ang halagang P3, 740, 240 sa Dep-Ed Pangasinan II para sa kabataang mag-aaral ng Mangaldan, San Fabian at Manaoag. Para sa mga taga-San Jacinto, P81, 750 naman ang halagang kanyang ibinigay, habang ang DSWD naman ng Dagupan City ay tumanggap ng P 245, 250.
Kasabay nito, dalawampung nanay naman mula sa Manaoag at San Fabian ang tumanggap ng puhunang pera mula sa SEA- K program ng DSWD. Dahil sa matatag na samahan ni Manay Gina atDSWD Secretary Dinky Soliman, nakahingi ng karagdagang isang milyon ang kongresista sa kanyang regular na congressional allocation para sa Self-Employment Assistance-Kaunlaran program ng DSWD.
Dahil dito, marami pang nanay sa ika-apat na distrito ang makaka-asang mabibiyayaan ng puhunang pangklabuhayan.
No comments:
Post a Comment