By Mortz C. Ortigoza
Kung kayo ay tumatangap ng pera galing sa abroad, mag dalawang isip kayo kung ito ay kukunin ninyo sa Cebuano Lluirrier, BDO branch, o sa Western Union.
Kahapon, holiday dahil June 12 Independence Day, may nagpadala sa akin sa inbox ko sa Face Book ng XOOM Number at halaga ng pera na pati tuldok at sentimos ay isinali na dahil converted na from U.S dollar to Philippine Peso.
 |
LAMAY (WAKE) KING: Philppines Vice President Jojo Binay Beats Presidential rival Secretary Mar Roxas in the wake of Pangasinan's town mayor, a Liberal Party member of Roxas, who was assassinated recently. |
 |
| Remains of former mayor Ernesto Balolong |
Dahil holiday sarado ang nakasanayan ko na BDO (siempre sa harap lang ng bahay namin), tumakbo, este, sumakay ako sa car ko papuntang Western Union malapit sa Victory Liner terminal sa Dagupan.
“Off line po kami sir sa XOOM, subukan niyo ang Cebuana Lluirrier and Pawnshop diyan sa Perez Boulevard,” ani ng guwardiya.
Ta-tatlo lang kami na customers sa loob ng pawnshop (pero balisa ako kasi baka sabihin ng nakakita sinasanla ko ang singsing ng lola ko), ng biglang sabihin ng lady employee kung may Cebuana Card ako.
“Wala, saka hindi ko kailangan iyan. Itong driver’s license ko ang ginagamit ko either sa Western Union o BDO”
Naiinis ako, dahil mapilit ang babae na kumuha ako ng card na kung saan nakalagay ang mga tsi- tse-buritseng pansariling come-ons ng Cebuana sa ibat-ibang negosyo nitong Just Jewel, Le Soleil de Boracay, Dphiten retail outles, Mr. Quickie at Healthway.
“Masyadong aggressive naman itong management ng Cebuana sa pagbenta ng product nila,” ani ko sa sarili ko.
“Ayosin mo muna iyang pera ko habang binabasa ko ang brochure ng card niyo,” aniya ko.
Aba tinawag uli ako at binigyan ako ng one half page na papel kung saan may mga 10 or 15 na checks siya na kailangan ko daw e file-up.
“E puro survey ang laman ng tanong ng papel ninyo, gaya magkano halaga ng bahay ko, ilan ang nakasanla na ari-ari-an ko, ilan at ano ang kotse ko, at iba pa. May balak pa ata kayong mag-pa loan. Masyadong na dedelay ang customer ninyo dito sa mga pinag-gagawa ninyo, masisira kayo dito,” Sinabi ko sa dalawang female workers na nasa loob ng mala rehas na kuarto kung saan sila naka puesto.
Tumagal ako sa loob, na kung saan dadalawa na lang kaming customers, ng 20 to 30 minutes. E paano kung maraming customers doon at bawat isa sini-sales talk sa card at obligadong pinapa sulat sa half page na papel, anak ng bakang dalaga aabutin lahat ng siyam-siyam?