Friday, February 9, 2024

Wala na Kayong Magawa Putol na ang mga Puno

 By Mortz C. Ortigoza

Mabuti na lang hindi isinali ng Pangasinan provincial government ang environmentalist group na  Pangasinan People’s Strike for the Environment (PPSE) noong nagpaputol sila ng 64 kahoy noong February 1 para magbukas sa P100 million na reflecting pool and interactive fountain.

Pag nagkataon, hanggang ngayon walang makikita ang mga taga Pangasinan at mundo sa nakakaaliw na malaking pananda na lalong magpapaganda sa picturesque American stately colonial era designed Capitol dahil manggugulo sila.

 

Gov. Ramon V. Guico III (second from left), Vice Governor Mark Ronald DG Lambino, Department of Public Works & Highway-Regional Office -1 headed by Engr. Amelia M. Zamudio (extreme left) and DPWH 2nd Provincial Engineering District Chief Engr. Edita L. Manuel lead the ground-breaking ceremony and the laying of the time capsule for the Reflecting Pool and Interactive Fountain Project held at the Provincial Capitol Complex on November 8, 2023. (Photo by PIO)


 Mantakin ninyo  na merong tumatakbong Pari sa katauhan ni Father Robert “Running Priest” Reyes sa gilid ng mga acacia trees, mga pagtali ng mga puting ribbons sa mga puno ni Yano rock band vocal Dong  Abay, at araw araw na ingay ng mga raliyista sa paligid ng Kapitolyo. Mantakin niyo ang abala at sakit ng ulo pag isinali pa sila sa kunsultasyon na inaalmahan nila.

Itong mga senaryo ng panggugulo ng mga overacting na mga environmentalist ay hindi na bago sa Pangasinan. Ito ay nangyari na ng years 2013, 2014 at 2015 kung saan hindi makapag-apply ang Department of Public Works & Highway (DPWH) sa Department of Environment & Natural Resources (DENR) sa eastern Pangasinan noong kailangang putulin ang mga nalalabing 770 puno na karamihan ay century old dahil sa road widening ng Manila North Road (MNR) at pati na rin sa highway na sakop ng Urdaneta City patungong Dagupan City. 1,030 na puno lang ang naputol ng contractor sa 1,800 na dapat putulin pero na abutan ng three months deadline noong November 2013 to February 2014 kaya nag apply uli ang DPWH. Doon nagsimula ang gulo sa ikalawang aplikasyon sa pagputol.

Paano ang pangkahalatang kapakanan ng mga Pilipino nito pag hinayaan na lang na masadlak ang mga sasakyan sa “perennial traffic congestion” na magpapaparusa sa kanila sa araw-araw na sila’y nabubuhay at paggastos ng malaking halaga sa krudo sa mga motorista dahil ang kakaunti ay ayaw ipaputol ang mga puno sa loob ng mga kalsada?

Dahil sa kawalan ng permit dahil nag aatubili ang DENR na mag isyu dahil sa ingay ng mga environmentalists at sa sulat ni Governor Amado T. Espino, Jr (kung saan ang anak niya ay makakalaban sa 2016 governorship election ni dating 5th District Cong.Mark Cojuangco – proponent ng road widening), naging katawatawa ang probinsiya dahil ang ibang lanes ng kalsada ay may mga dambuhalang puno na kumitil na sa mga buhay ng mga driver ng mga sasakyan na bumangga.

***

Pero kwidaw iyong kelangang ipagpaalam sa mga environmentalists. Bukod sa naputol na ang mga kahoy, lahat ng technical at legal requirements gaya sa pagsali sa kunsultasyon ng mga pinuno at residente ng Barangay Libsong West at Barangay Poblacion ay sinunod ng Kapitolyo.

Ito ang ibang nilalaman ng press release noong February 4 galing sa Provincial Information Office:

“To kick off the project, the Capitol accomplished various requirements like the cutting of 64 trees of different species, which was done through the conduct of an ocular inspection and inventory of trees by the Community Environment and Natural Resource Office (CENRO) and the Department of Environment and Natural Resource (CENRO-DENR). A tree-cutting permit was approved by DENR on January 16, 2024. As a replacement for the trees that were cut, 3,200 seedlings will be planted in different areas.

“Likewise, some 150,000 seedlings were planted by the provincial government under its “Pangasinan Green Canopy” program, which affirms the present administration’s commitment to protect and preserve the environment”.

Ang Reflecting Pool ay ginaya sa Lincoln Memorial Reflecting Pool sa Washington D.C, The Mansion in Baguio City at sa Taj Mahal sa India habang ang Interactive Fountain ay inspirasyon ng dancing fountain sa Vigan City.

***

Madrama pa itong mga environmental activists at heritage conservation advocates.

Bakit daw ililipat sa kanilang mga tirahan ang mga memorabilia na U.S made Sherman tank at kanyon at Japanese World –II na eroplanong “Zero Fighter” na gawang Mitsubishi na matagal ng nakakabit at nakalatag doon.

Diyos ko! Hindi sila inalis kundi lalong inilapit doon sa dagat kung saan lumusong ang liberator o tagapagpalaya ng mga Pilipino na si Gen. Douglas “I shall return” MacArthur sa kuko ng mga demonyong Hapon na sumakop sa Pinas ng mahigit tatlong taon. Bukod pa diyan, may pag-apruba na galing sa National Historical Commission na pwede silang ilipat.

 Iyang mga ingay na ginagawa ngayon ng mga environmentalists, media entities, trolls ng mga kalaban sa pulitika at mga anti progress na writers sa social media ay “standing on a feet of clay” dahil ang Kapitolyo ay nakatayo sa legalidad at teknikalidad.

 

No comments:

Post a Comment