By Mortz C. Ortigoza
Talo ni Davao City 1st District Congressman Paulo “Pulong”
Duterte ang mga budget sa Department of Agrarian Reform (DAR), Philippines
Coast Guard, at modernization ng military kontra China.
Sa pinalabas na pahayag ni House Appropriation Committee Chair Elizaldy Co, si Polong ay merong allocation o pork barrel na tumataginting na P51 billion noong 2019 -2022 termino niya. Sa panahon na iyan ay Presidente ng Pinas ang Tatay Digong niya.
POLITICAL PATRONS. (From left and clockwise): Davao City 1st
District Rep. Paulo “Pulong” Duterte, President Ferdinand Marcos, Jr. and his
first cousin House Speaker Martin Romualdez.
Ito ay pinakamalaki na alokasyon na naibigay sa isang Kongressman magmula
ng tayo ay magsimula sa Commonwealth Government noong 1935. Mas malaki ito
ngayong taon sa P9.392.29 billion budget ng DAR, P29, 420, 681, 000 sa Coast Guard at P40
billion sa Horizon -3 o last phase ng modernizasyon ng military para labanan ang mga paghihimasok ng China sa mga teritoryo natin.
Parti ng pera sa Coast Guard ay galing sa nabigong P650 million confidential
and intelligence fund (CIF) ng kapatid niyang si Vice President at Department
of Education Secretary Sara noong tangalan siya nina Speaker Romualdez ng CIF
dahil umaangal ang taong bayan sa walang katuturang pagwaldas ng salapi ng
bayan at banta sa ambisyon ni Romualdez na papalit sa pinsang buo niyang si
President Bongbong Marcos.
Sa pagkakaalam ko karamihan sa 309 congressmen natin ay may P1 bilyon –
P4 billion kada taon na alokasyon na nakalagay sa mga departamento gaya ng Public
Works & Highway at Health kung saan sila ang maghahanap ng benipesaryo at
of course favored contractor. Sanamagan! Wala sa lugar ang ganyang pagkaayos. Ang trabaho nila dapat ay gumawa ng batas at
hindi maghanap ng mga kontraktor at suppliers para sa kupit nila, este, sa mga
constituents nila.
Ani Pulong sa kanyang website noong January 9:
“I also would like to inform
all Dabawenyos, most especially in my district that the House leadership has
taken out P2 billion for your NEP (National Expenditure Program) budget for the
district and left only a measly P500 million to Dabawenyos this year. To all
Congressmen ganging up on us, do not give me that kind of B.S because I will
not starve to death if you take my budget away. Ang kawawa is yung mga
Dabawenyo na bumuto kay PBBM”.
Umuusok sa galit sa Cebuano si
Polong sa prayer rally sa Davao City noong January 28:
“Pangitaon man tag fifty
bilyon. Kami mga congressmen lobbyist man lang kami. “Ah Speaker, DPWH bi
muhangyo ko bi coastal road akong tapuson kay gisugdan sa iyang tonto nga
igsoon wa humana. Ginoo ko! (Hinahanapan ako ng P50 billion. Kaming mga
congressmen lobbyist lang naman kami. “Ah Speaker, DPWH hihiling ako ng coastal
road dahil tatapusin ko dahil inumpisahan ng loko na kapatid niya na hindi
tinapos. Diyos ko!),” ani
Pulong sabay banat kay PBA Partylist Margarita Nograles na pinagsusupetsahan
niyang nagkakalat ng balita na binulsa niya ang bilyo-bilyones na pera. Si Nograles ay sinasabi ng batang Duterte na
tatakbo sa pagka mayor ng Davao City sa susunod na eleksiyon.
Ani dating Senator Antonio Trillanes na madaling masuri kung saan dinala
ni Pulong ang P51 bilyon sa pamamagitan ng isang technical inspection at
special audit ng Commission on Audit (CoA) sa mga flood controls,
farm-to-market roads, at mga buildings projects niya.
“It’s so scandalous! Nanawagan
ako sa CoA na mag-conduct kayo ng special audit at meron silang moto propio
power kasi hindi naman kailangan e di-direct sila ng kung sino kasi independent
sila per our Constitution. They investigate what they want to investigate”.
Sang ayon ako kay dating Senator Trillanes. Imbestigahan kaagad at kasuhan ng COA or sinuman na taxpayer sa Ombudsman
ng Anti-Graft & Corrupt Practices Act, Plunder o iba pa pag nakitaan ng
probable cause si Cong. Pulong.
Kung napunta man iyan sa 45.5 kilometers P46.8 billion Davao City Coastal
Bypass Road – gaya ng sinabi niya sa prayer rally - at above board naman ang
transaction ng DPWH at mga contractors walang dapat ipag-alaala si Cong.
Polong. Ingay at pulitika lang ang mga namutawi sa mga bibig nila Co at
Trillanes.
No comments:
Post a Comment