Thursday, February 22, 2024

P10-K Pinagkaloob ng Bataoil Admin sa Bawat Pamilyang Nasunugan

 Nagpa-abot ng tulong pinansyal ang lokal na pamahalaan ng Lingayen kamakailan sa mga pamilyang nasunugan sa P. Moran West St., Brgy. Poblacion kamakailan.

HOMECOMING. Senate President Juan Miguel Zubiri (left) and Lingayen Mayor Leopoldo N. Bataoil in a jovial mood during the recent Alumni Homecoming of the Philippines Military Academy at Fort del Pilar in Baguio City. Zubiri served as the guest of honor and speaker and also officiated the oath-taking of the new officers and board directors of the PMA Alumni Association, Inc. (PMAAAI). Bataoil is a member of the PMA’s Magilas Class of 1976. 


Sa ginanap na flag raising ceremony noong  ika-19 ng Pebrero 2024, pinangunahan ni Mayor Leopoldo N. Bataoil at Vice Mayor Mac Dexter Malicdem kasama si Municipal Social Welfare and Development Officer Lorenza Decena ang pag abot ng "Emergency Shelter Assistance" na ngakakahalaga ng sampung libong piso (P10,000) sa mga apektadong pamilya na maaari nilang gamiting inisyal na pambili ng mga materyales upang muling maipagawa ang kani-kanilang nasirang bahay.

"There were 10 families affected. So we have given them from the LGU 10 thousand each po for every family. There were 10 families so P100 thousand po ang itinurn over po natin sa kanila" pahayag ni Mayor Bataoil.

Samantala, idinagdag naman ni MSWDO Officer Decena na tuloy tuloy pa rin ang kanilang pakikipag ugnayan sa iba't ibang sangay ng pamahalaan na maaari umanong mahingian ng karagdagang tulong para sa mga apektadong pamilya.

Sa ngayon, kasalukuyan pa ring nanatili sa Lingayen Evacuation Center ang mga biktima na siyang kanilang nagsisilbing pansamantalang matutuluyan.

May mga ilan ding mga kababayan, mga pribadong indibidwal at non-governmental organization ang personal nang nag-abot ng kani-kanilang tulong bagay na ipinagpapasalamat ni Mayor Bataoil.

Una nang nagkaloob ang lokal na pamahalaan ng relief supply katulad ng bigas, groceries mga damit at ilang hygiene kits sa mga biktima ng sunog na kanila nang ginagamit habang nananatili pa rin sa evacuation center.

Samantala pinarangalan naman ang Lingayen Police Station dahil sa kanilang inisyatibo upang masugpo ang iligal na droga sa bayan habang ang flag ceremony ngayong araw ng Lunes ay pinangunahan ng Municipal Tourism Office. (MIO_MRVinluan)

No comments:

Post a Comment