Thursday, October 5, 2023

Wo𝗿𝗹𝗱 C𝗹𝗮𝘀𝘀 P𝗿𝗼𝗱𝘂𝗰𝘁s 𝗻𝗴 10 𝗠𝗦𝗠𝗘 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗣’𝘀𝗶𝗻𝗮𝗻 P𝗶𝗻𝘂𝗿𝗶 𝘀𝗮 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗮 𝗟𝗮𝘂𝗻𝗰𝗵

 Pinuri ng mga miyembro ng media at social media influencers ang mga produkto ng sampung Micro, Small and Medium Enterprises (MSME) mula Pangasinan sa Media Launch na ginanap noong October 4, 2023 sa The Peninsula Hotel.


Pangasinan Governor Ramon V. Guico, III (top left photo) and the Micro, Small and Medium Enterprises (MSME) products of the huge province.


Ang mga produkto gaya ng bag na gawa sa kawayan ay itatampok sa Manila FAME na gaganapin sa World Trade Center mula October 19 hanggang October 21.

Base sa website ng World Trade Centers Association, ang Manila FAME ay inilunsad noong 1983.

"Ito ang second-longest running trade event" pagdating sa houseware, furnishings, gift items, holiday decor, at fashion accessories sa Asia-Pacific Region".

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na lalahok ang lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Governor Ramon V. Guico, III ,inaasahang ito ang magiging susi para makilala sa global market ang mga produkto ng Pangasinan kaya todo ang suportado sa proyekto ng pamahalaang panlalawigan.

Ang sampung MSME Group na kinabibilangan ng HERWIN (Herwin Buccat- Bolinao,Pangasinan), ERASTUS (Erastus Velicaria - Sto. Tomas,Pangasinan), ILO (Ma. Cherrylyn Ariaga and Ma. Cherryvie Baltazar-Laoac,Pangasinan) ALMA (Alma Andrea Lopez - Pozorrubio,Pangasinan), BLADES (Marvin Diso and Franklin De Vera - Pozorrubio, Pangasinan), RACH (Rowena Dela Cruz - Aguilar,Pangasinan), WELAB (Erlinda Medina, Macrina Villena, Novelliane Diso ,Marilyn Estrada- Binalonan, Pangasinan), Blessed Six or B6 (Adrian Gombio, Rona Roy, Mykant Surat, Dangela May Sayaboc, Adrian Gombio-Binalonan, Pangasinan), JOY (Jocelyn Perez Basista,Pangasinan) at CAWAYAN (Precious Cayaon- Bolinao,Pangasinan) ay inorganisa ni Mrs. Arlyn Guico, ina ni Gov. Guico. Siya rin ang nasa likod ng matagumpay na media launch.

Dumalo rin sa media Launch ang mga Sangguniang Panlalawigan Members sa pamumuno ni Vice Governor Mark Lambino, mga department head sa pamumuno ni Provincial Administrator Melicio Patague, II, Binalonan Mayor RG Guico IV, Technical Education and Skills Development Authority  at Department of Trade & Industry officials ng Pangasinan.

Sinaksihan din ito ni First Lady Maan Tuazon Guico at Atty. Melanie Lambino, maybahay ni Vice Gov. Lambino (Pangasinan PIO)

No comments:

Post a Comment