Ni Mortz C. Ortigoza
Nakasalubong ko at nakipagpalitan ako ng kuro-kuro sa palengke sa isang Kandidato sa pagka Kapitan. Isa siya sa lima na nakikipagbuno sa pinakamataas na pusisyung pultikal sa barangay
"Iyong kalaban mo namigay sa bawat bahay sa barangay ng karne na nagkakahalaga ng pitong raang peso (P700)," ani ko.
"Madami kasi siyang babuyan," sagot nito.
"Paano kung mamili siya ng tig limang raan (P500) sa gabi bago maghalalan sa October 30?"
"Ang dinig ko isang libo (P1,000) ang nakahanda na ipamimigay niya bawat botante"
"Matindi! Talagang pinaghandaan niya itong halalan".
Noong tinanong ko siya kung magkano ang nakalaan para sa vote buying ng tatlo pang katungali niya, sinabi nito na si Kandito A ang reelectionist na Kapitan) at Kandidato B ay may P500, P800 sa bawat botante sa gabi ng bilihan ng boto.
"Iyong si P800 pag ginawa niyang isang libo ang bilihan sigurado ako ung may babuyan bababuyin niya iyong bigayan ni B gagawin niyang P1,200 kada botante iyong sa kanya," sabi ko sa huntahan.
Noong tinanong ko kung kaya niya sumabay sa bilihan, malakas na napa- iling ang kebegan kung Kandidato hindi na raw siya mamimili.
"Kalukuhan ito! Ayaw ko naman gamitin ung milyon ko na puhunan sa negosyo ko. Ayaw ko naman mangutang o isanla ang bahay at lupa namin para makapamili ako ng boto na magkakahalaga ng milyones sa posisyun na maliit lang ang sahuran"
Dagdag nito hindi na niya mababawi ang mga milyunes na gastos niya sa dalawang taon na pagiging Kapitan niya kahit maging Kupitan pa siya hanggang October 2025 election.
"Tama iyan. Kahapon galing ako sa opisina ng alkalde ng Lingayen, nagkita kami ng isang reporter ng radyo. Ani nito iyong school principal sa Sta. Barbara iyong asawa tumakbong Kapitan kaya nag loan siya ng P1 milyon pambili ng boto," sambit ko.
Ani ko iyong Isang barangay sa bayan na iyon, tatlong araw ang kampanya iyong Kandidato na big-time contractor namigay na ng tig P1000 bawat botante. Iba pa daw yung sa pakurong (vote buying on the eve of the election).
Noong maghiwalay na kami ng kandidato na may bahid ng lungkot ang mukha, napa iling ako. Lalong naging madugo sa gastusan ang barangay eleksiyon. Butas ang bulsa ng kandidato, iyong iba nagka utang utang pa na babayaran nila ng ilang taon manalo lang.
Panalo ang mga bobotante dito. Paldo sila ng salapi sa gabi ng October 29. Sisigla ang ekonomiya nito. Jackpot ang mga magbabalot, belyas, mag aalak, drug pusher, Jollibee, MacDonald's at iba.
No comments:
Post a Comment