By Mortz C. Ortigoza
MANAOAG, Pangasinan - “Sa taas ng presyo ng mga bilihin ngayon, malaking tulong ang cash payout sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula sa Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Ramon "Monmon" Guico,” ani ng Alkalde ng pilgrimage town sa kanyang Facebook Page.
Sinabi ni Mayor Jeremy
Agerico “Doc Ming” B. Rosario
na nagtungo ang Gobernador dito sa kanyang tangapan kamakailan para pag-usapan
ang mga nakalinyang programa at proyektong gagawin ng Kapitolyo.
Ang AICS o Assistance to
Individuals in Crisis Situation ay isa sa mga social welfare services
ng Department of Social Welfare & Development (DSWD) na nagbibigay ng
tulong medikal, pampalibing, transportasyon, edukasyon, pagkain, o tulong
pinansyal para sa iba pang support services o pangangailangan ng isang tao
o pamilya
Layunin ng AICS Program na
tulungan ang mga mahihirap nating kababayan na sumasailalim sa krisis upang
matugunan sa kanilang mga pangangailangan.
Ang AICS’s assistance ay ang mga
sumusunod:
· *Medical Assistance * Funeral Assistance *
Educational Assistance
·*Transportation Assistance *Food Assistance
*Cash Assistance for Other Support Service
"Maraming
salamat po, Governor Ramom “Monmon” Guico, III sa inyong patuloy na pagmamahal
at suporta sa aking mga kababayan dito sa Manaoag,” sambit ni
Rosario na isang medical doctor.
No comments:
Post a Comment