MANGALDAN, Pangasinan - Para lalong mapaganda ang local meat industry sa first class town na ito at sa karatig siyudad at mga bayan, layunin ni Mayor Bona D. Parayno na maging kaunaunahang “AAA abattoir” ang Mangaldan sa mga local government unit (LGU) sa buong Pilipinas
Sinabi ito ni Mayor Parayno sa isang preliminary meeting sa kanyang opisina dito noong nakaraan kasama sina National Meat Inspection Service (NMIS) Region-1 Director Dr. Orlando C. Ongsotto at Senior Meat Inspection Control Officer (SMICO) Dr. Rosario DG. Renton.
Ayon kay Dr. Ongsotto, sa
kasalukuyan walang accredited na Class ‘AAA” na bahay-katayan sa bansa na pag
aari ng gobyerno. Lahat ng slaughter houses sa Pilipinas ay pribado ang may
ari.
Bago makamit ang layunin na
Triple A sa abattoir dito, kailangan ng LGU na mag benchmarking at mag study
tours sa mga kilalang Class ‘AAA” accredited na bahay-katayan sa bansa gaya ng
Tarlac Meatmasters of Pilmico Animal Nutrition Corporation (Pilmico) na makita sa
Bamban, Tarlac, at Red Dragon Farm Feed, Livestock, and Foods, Inc. (RDFFLFI)
sa Pampanga.
“Kung kaya nila [private-owned corporations] na mag-operate ng class
‘AAA’ slaughterhouse, I am sure that with everybody’s help, we can also achieve
this goal... to be the first government-owned Class ‘AAA’ accredited abattoir
sa buong Pilipinas,” ani Mayor Bona.
Naka-kasa na ang paghahanda ng
bayan na ito sa pag proseso ng financial grant na alok ng Philippine Rural
Development Project (PRDP) sa pamamagitan ng Department of Agriculture. Oras na maipagkaloob, ang pondo ay mapupunta sa reconstruction at expansion ng
kasalukuyang slaughter house para makamit nito ang pagkilala bilang Class ‘AAA’
na bahay-katayan.
Samantala, nagbabala ang NMIS sa
mga lumalabag at mga may ari ng slaughterhouse tungkol sa regulasyon sa
pagkatay ng mga hayop, kabilang dito ang flooding o ang excessive hydration
para mapabigat sila. Ani NMIS ang ‘flooded’ meats ay puweding magdulot ng
pagkasira na maging mapanganib sa kalusugan ng mga mamimili.
Ang mapatunayan ay mapaparusahan
sa ilalim ng Animal Welfare Act of the Philippines (Republic Act 10631, or the
Amended RA 8485), the Meat Inspection Code of the Philippines (RA 10536, or the
Amended RA 9296), at ng Consumer Act of the Philippines (RA 7394). Sila ay
makakasuhan din sa paglabag ng regulasyon ng DA Administrative Order No. 15
series of 2006. (MCO)
No comments:
Post a Comment