Friday, May 5, 2023

Cong. Battle Royal: Cojuangco vs. Ama Espino

 By Mortz C. Ortigoza

Noong binisita ko kamakailan sa El Pescador, Bolinao si dating nine years’ congressman Boying Celeste tinanong ko kung meron silang return bout ni Sual Mayor Dong Calugay matapos siyang talunin ng 2, 610 botos sa 26, 860 botantes sa mayoralty election noong May 9, 2022.

Wala na Pinsan. Tutulong na lang ako sa mga kabataan (son and nephew) sa pagtakbo nila sa pulitika,” ani ng Darling of the Press na “patriarch” ng powerful Celeste Political Family sa Western Pangasinan.


2nd District Cong. Mark Cojuangco (left, photo) and his purported challenger in the May 2025 congressional derby former Pangasinan Governor and Congressman Amado "Ama" Espino, Jr.

Si Philippines Councilors League -Pangasinan Chapter President Arthur Celeste, Jr – na anak ni 1st District Rep. Art Celeste (Kababatang kapatid ni Boying) ang hinahasa ng angkan na hahamon kay Calugay sa May 2025 mayoralty derby sa coastal town Sual.

Isang Battle Royale na naman ito at paldo-paldo na naman ang mga botante ng maliit na bayan na host ng 1,000 megawatt coal power plant.

***

Inamin sa akin ni Cong. Boying na pagkatapos pala ng eleksiyon noong May 2022, nakipagkita sa kanya si dating Congressman Amado "Ama" Espino, Jr. sa kanyang “White House” sa Sual.

Kasama ni Espino ang dating ka-lived in ni Mayor Calugay na si Girlie – isang bigtime contractor noong pumapayagpag pa ang mga Espino sa kuta ng kapangyarihan ng pulitika sa Pangasinan.

Galit na galit daw ang dating congressman sa kay Mayor Calugay at gusto niyang magsanib puwersa ang Celeste para lugmukin si Dong sa pamamagitan ni Girlie na tatakbong Mayor.

Pero hindi pumayag si Cong. Boying. Sinabi niya na may balak pa siyang tumakbo sa susunod na eleksyon.

***

Balisa ang isang Alkalde sa 2nd Congressional District sa mga balita na tatakbo si dating Congressman Espino laban kay District Rep. Mark Cojuangco sa May 2023.

Narinig ko rin ito sa isang political kibitzer sa Bugallon kung saan ang maybahay ni Espino na si Mely ay Mayor.

Ani ng kaibigan kung Alkalde, iiwanan na niya ang matandang Espino na dating kasangga niya dahil nangako siya kay Cojuangco na tutulungan niya ito sa darating na halalan.

Ang problema ko ang mga Kapitanes ko mas gusto nila si Espino,” sabi niya noong binisita ko siya sa kanyang opisina.

Pero diin niya gagawin niya ang lahat para makumbinsi ang mga Kapitanes na iisa nilang isusulong  ang liderato ni Cojuangco alias Ayuda Man ng Distrito sa parating na halalan.

***

Naalaala ko dati sa bayan ng Urbiztondo noong buhay pa ang assassinated Mayor Ernesto Balolong. Mga 2010s siguro iyon. Ginabi kami ng kasama kung media man sa kanyang tahanan kasama ang ilan niyang mga Kapitanes. Sa umpukan namin tinanong ko ang mga Barangay Chairmen:

Sino ang sinupurtahan nila noong governorship election ng 2010 si comebacking governorship candidate Victor Agbayani o si Espino (bago siya mag 5th District Congressman siya ay anim na taong gobernador)?

Ani ng mga Kapitanes: Si Espino kasi galante. Binigyan daw sila kada isa ng tig iisandaang libong peso at bahala na sila sa proyekto na gusto nila sa barangay. Si Agbayani kahit milyon daw ang ibinigay na projekto gaya ng farm-to-market road sa kanilang nasasakupan ayaw pa rin nila.

Bakit kako? Kasi doon sa proyekto ni Agbayani di sila makakupit. Doon sa isandaang libong peso na bigay ni Espino kaya nilang ibulsa, hahaha anak ng bakang dalaga!

Ngayon ang aking katanungan: Kaya bang tapatan ni Cong. Mark “Six Nuclear Power Plants” Cojuangco si Espino sa isang Real McCoy na Battle Royal na magpapasaya at magpapalundag (“frolic” in short noong akoy nagsusulat pa sa Inglis) uli sa mga botante at bobotante ng 2nd Congressional District?

No comments:

Post a Comment