By Mortz C. Ortigoza
Nagpapasalamat ang isang Mayor sa
Diyos dahil iyong nilalakad niyang malapit sa two hundred million pesos na project na
galing sa national government ay ni download na sa bank account ng municipio.
“Walang mangyayari pag ni download nila sa DPWH hindi na sa amin mapupunta na kay Congresswoman na” ani Mayor.
Illustration is internet grabbed. |
Anong ibig sabihin pag napunta na
ang project kay Congresswoman? Ibig sabihin niyan ay susolohin na ng mambubutas
ng upuan sa Kongreso, este, mambabatas ang S.O.P o kickback sa pinili niyang
contractor na kasabawat sa moro-moro sa bidding sa Department of Public Works
& Highway.
Ang kalakaran sa kickback sa
kalsada, slope protection at tulay sa Pinas ay umiikot sa 10 to 20 percent. Pag
suwapang iyong pulitiko aabot pa ng 30 percent kaya iyong ibang kontratista
nilalagyan ng kawayan sa halip na bakal na bituka ang konkretong kalsada – gaya
sa nangyari noon sa isang bayan sa Pangasinan na nabisto - dahil halos nasimot
na ng Congressman ang tubo niya.
***
Mabuti pa iyong pamilya ng isang
pulitiko sa isang distrito sa probinsiya ko may limit ang pagkagahaman. Sabi noong mayor na naka inuman ko
ng “hard” o Kuwatro Kantos Markang Demonyo – anak ng bakang dalaga! – mabuti pa
daw iyong pamilya na iyon pag dating sa hatian ng kickback.
“Kada project na galing sa national government na gagawin sa bayan ko,
nagbibigay si ABCD (pangalan ng contractor ni Congressman) ng porsiyento sa
akin. Ganoon din ang ginagawa nila sa ibang Mayor dito sa Distrito,” ani ng
Alkalde.
Sa palagay ko ginagawa iyan ni Congressman at
ng pamilya niya na naging mambabatas rin: Una, hindi siguro sila suwapang sa
kita nila sa nakaw; Ikalawa, istrategy nila iyan na makuha ang loyalty ng mga
mayors kung sakaling may makakalaban sila sa eleksiyon.
***
Naalaala ko tuloy iyong isang
Mayora na mangiyakngiyak na nagsumbong sa akin na matapos ilakad ng ilang taon
iyong proyekto sa National Irrigation Administration (NIA) na tens of millions
of pesos na project, noong ni download sa DPWH ng Department of Budget ang
pondo gusto ng solohin ni Congresswoman ang S.O.P.
“Pinaglaban ko iyong project kasi ako iyong naglalakad at nag follow
noon sa Manila pero tinawagan ako at pinagalitan ako ng mister ng Congresswoman
na ihinto ko iyong ginagawa ko dahil si mister ko ay nangu-nguntrata rin sa
kanila”.
READ MY OTHER BLOG:
The Lethal, Costly Weapons of a Cobra
MORTZ C. ORTIGOZA
I am a twenty years seasoned Op-Ed Political Writer in various newspapers and Blogger exposing government corruptions, public officials's idiocy and hypocrisies, and analyzing local and international issues. I have a master’s degree in Public Administration and professional government eligibility. I taught for a decade Political Science and Economics in universities in Metro Manila and cities of Urdaneta, Pangasinan and Dagupan. Follow me on Twitter @totoMortz or email me at totomortz@yahoo.com.
No comments:
Post a Comment