Sunday, March 20, 2022

Apela ng SINAG, ABONO Partylist: Suspendihin ang mga Buwis sa Krudo

 By Mortz C. Ortigoza

Nanawagan ang pangkat ng mga agrikultura sa gobyerno na suspendihin ang 12 percecent value added tax (VAT) at excise taxes sa krudo habang namamayagpag ang pagtaas nito at naging mitsa ng pagtaas ng produksyon at gastusin ng mga magsasaka.

Ani Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na ang hindi mapantayang pag lubo ng presyo ng langis ay naging suntok sa mga magbababoy, magmamanok, at mga maliliit na mga mangingisda sa Pilipinas.

Despite successive oil price hikes, farmers and fisher folk in the Philippines still wait for their fuel subsidy from the government. Photo credit: CNN- Philippines

Ang chairman ng SINAG ay si Eng. Rosendo So. Siya rin ang pinuno ng Abono Partylist na tagapagtanggol ng mga magsasaka sa Kongreso.

“Oil is not only used for transport in the agriculture sector but are essential inputs to the industry; as fertilizers and feed additives to the livestock and fish industries, and lifeblood of farm machines, tractors and harvesters, water pumps for irrigation, aquaculture and fish farming,” bunyag ng SINAG sa kanilang press statement.

Ani ng SINAG ang gastusin sa pagtanim ng palay ay umakyat na ng halos P5 to P19 kilo na kung saan ay dati itong P14 to P15 kada kilo noong isang taon. Ang paglundag ng presyo ay dahil sa pagtaas ng presyo ng krudo.

Sumirit ang presyo ng krudo makaraang mga lingo dahil sa giyera ng Russia at Ukraine. Isiniwalat ng Reuters na noong isang linggo ang presyo ng Brent Crude ay lumundag ng 9.9 percent to $129.78 isang barelis.

READ MY OTHER BLOG:

Abono Unfazed on Rampages of Espino’s Backed API

No comments:

Post a Comment