Friday, July 16, 2021

Lambino Vs Reyes sa Pagka-Bise Gobernador 2022 Ikinakasa Na

 

By Renato "Atong" Remogat

STA. BARBARA, Pangasinan – Halatang litaw na litaw na ang kandidatura ni out-going Second District Board Member Nestor “Nikki Boy” Reyes sa pagka-Bise Gobernador laban kay second terme Vice Gov. Mark Lambino sa halalan 2022.

Hindi na rin lingid sa lahat ang kanyang intensiyon sa kadahilanang palagi na niyang nirere-presenta si Gobernor Amado “Pogi” Espino lll sa kanyang programang Abig-Pangasinan.

Ilang beses na ring nakikita si Reyes sa ibat-ibang bayan na siyang pangunahing pandangal sa nasabing programa sampu ng mga kaalyado ng mga Espino.

PROVINCIAL FIGURES. From left to right: Vice Gov. Mark Lambino, Board Member Nikki Boy Reyes, and Former Gov. Amado Espino, Jr.


Kamakailan lang ay namataan siyang nakikipag-pulong sa mga ibat-ibang opisyal at mamamayan ng bayan na isumpisahan niya sa parte ng
Eastern Pangasinan.

Malamang na isa ito sa mga estratiheya ng kanyang kaalyado para lubos siyang makikilala sa buong lalawigan.

Bagama’t ang popularidad ni Reyes ay nakatuka sa Segundo Distrito na may sinasakupang walong bayan ay hindi na ito baguhan sa kanilang panlasa sa larangan ng pulitika.

Si Reyes ay naunang nakilala bilang isang newscaster/ anchorman sa radyo (DWPR) na may programang “Operation Tulong” na kung saan ay libu-libong mamamayan ang natulungan niya sa lalawigan.

Ito rin ang kanyang naging tulay para manilbihan bilang isang Municipal Administrator at nanalo bilang konsehal ng bayan ng Lingayen.

Matapos ang kanyang panunungkulan bilang Konsehal ay umangat ang kanyang posisyon noong 2001 hanggang 2009 bilang isang miyembro sa lokal ng mababang kapulungan sa Sangguniang Panlalawigan at nanalo ulit noong 2012 bilang Board member hanggang sa kasalukuyan.

Habang si Vice Governor Mark Lambino ay tatahak muli sa kanyang ikalawang termino.

No comments:

Post a Comment