Tuesday, December 1, 2020

Trabaho Para sa mga taga- San Jacinto, San Fabian, at Manaoag


By Pangasinan Fourth District Cong. Toff de Venecia

Tayo po’y nakipagpulong sa ating DTI Provincial Office na pinamumunuan ni DTI Provincial Director Natalie Dalaten upang talakayin ang mga planong programa ng inyong lingkod at ng kanilang ahenysa. Ang mga programang ito ay para sa promote at pag pundar ng mga ibat ibang negosyo sa ating distrito na makatutulong at magugustuhan ng ating mga kabaleyan.

Abangan sa ating page ang mga programang ilulunsad ng aming opisina sa buong kwatro distrito. Tuloy-tuloy ang #SerbisyongSubokNa na hatid ng inyong lingkod mula sa konsultasyon sa iba’t ibang mga ahensya hanggang sa implementasyon ng kanilang mga programa.



Ating pinaunlakan ang imbitasyon ng Philippine Librarians Association, Inc. bilang isa sa mga panauhin sa “Libraries as Catalysts in the New Normal Environment: Changes. Reforms. Transformations.” Dito, tinalakay natin ang kahalagahan ng isang matibay ng library system at kung paano ito nakakaepkto sa ating lipunan at ekonomiya. Nagbigay din tayo ng mga halimbawa sa mga hakbang na ginagawa Kongreso at Senado sa pag address dito katulad na lamang ng digitization ng mga libro sa public schools. Isa lamang ito sa mga natalakay na solusyon sa kinahaharap ng sektor ng edukasyon kaharap ang COVID-19. Kung nais niyong mapanood ang buong diskusyon, narito po ang link ng Day 1 ng PLAI Congress 2020.

Tuloy-tuloy po ang #SerbisyongSubokNa na hatid ng inyong lingkod, hindi lamang sa sektor ng edukasyon kundi pati na rin sa lahat ng adbokasiya na malapit sa ating mga kabaleyan. Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta!

xxx

Kamusta kayo mga kabaleyan? Nagsagawa po tayo ng inspeksyon sa Binday Dam upang makita ang progreso nito sa pagkakakumpleto. Ang rehabilitasyon ng Binday Dam ay ginawa upang makapabigay serbisyo sa higit 1500 na mga magsasaka mula sa San Jacinto, San Fabian at Manaoag.

Tuloy tuloy ang #SerbisyongSubokNa na hatid ng inyong lingkod hindi lamang para sa ating mga manggagawa ng agrikultura, kung hindi para din sa iba pang mga industriya na mayroon ang buong Distrito Kwatro. Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta, mga kabaleyan.

No comments:

Post a Comment