MAAYOS NA WORKING ENVIRONMENT SA MGA ARTISTA
By Cong. Christopher "Toff" de Venecia
Ngayong 18th Congress at sa gitna ng pandemya, tayo ay patuloy na nakakatutok sa kapakanan ng mga manggagawa at pagsuporta sa creative industries sa pamamagitan ng Arts, Culture, and Creative Industries Bloc (ACCIB) sa Kongreso.
Ilan sa mga creative industries na ating sinusuportahan ay ang indutriyang malapit sa aking puso at lalo na sa aking pamilya, ang mga local na industriya ng pelikula, telebisyon, musika, at libro.
Ako ay naniniwala na mas nagiging malalim ang ating pagiging Pilipino kung tayo ay patuloy na sumusuporta sa mga industriyang ito, dahil hindi lamang husay sa paggawa ng pelikula, palabas sa telebisyon, musika, at paglathala ang ipinapakita nito, ipinapakita rin nito ang makulay na kultura at kasaysayan ng ating bansa.
Kaya isinusulong natin sa Kongreso ang pagpasa ng Eddie Garcia Bill o Creative Workers Bill at Freelance Protection Bill na may layong gawing maayos ang pamantayan ng working environment at bigyan ng kaukulang proteksyon ang mga manggagawa na nasa harap man o likod ng kamera.
Maraming Salamat kay Ms. Rica Arevalo at sa Manila Bulletin para sa inyong feature!
***
Ang agrikultura ay isa sa mga adbokasiyang malapit sa aking puso.
Simula pa noong 17th Congress, inihain na natin ang Magna Carta for Young Farmers at ngayong 18th Congress, ito ay pumasa na sa committee level as consolidated kasama ng iba pang mga bills bilang Young Farmers and Fisherfolk Challenge Bill.
Samahan niyo ako ngayong Huwebes ng 9AM sa webinar ng Philippine Legislators' Committee on Population and Development para alamin ang mga salient provisions ng batas na ito.
No comments:
Post a Comment