Ang
pagpapatayo ng pangalawang coal-fired power plant sa bayan ng Sual ay naa-ayon
sa development program ng Pangulong Duterte.
Ito
ang iginiit ng mga development-oriented officials, kabilang na si Secretary
Raul Lambino, ang presidential adviser for Northern Luzon.
Napag-alaman
din na ang adhikain ng bagong mayor ng naturang bayan, si Mayor Lizeldo
Calugay, ay sumusuporta sa mga adhikain ni Pangulong Duterte, kabilang ang
pagpapalago ng ekonomiya.
Sa kanyang pagbisita sa China kamakailan,
ibinalita ng Pangulo na meron sampong Chinese companies ang mag-invest sa
Pilipinas na nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa nine billion US dollars o 467
billion pesos.
Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga investors,
lubhang kinakailangan ang sapat na supply ng kuryente sa mas mababang halaga,
ayon kay Secretary Lambino.
Dinagdag pa niya na mahirapan ang ating
ekonomiya na mapabilis ang paglago nito kung unstable ang power supply at
napakamahal pa.
Ang
singil sa kuryente sa Pilipinas ay pangalawa na sa pinakamataas sa Asia at
pang-labing anim sa buong mundo, ayong sa survey na isinagawa ng International
Energy Consultants (IEC).
Ang
isang malaking dahilan ay ang mababang power generation capacity, ayon pa sa
naturang survey.
Naniniwala
si Secretary Lambino na ang lunas sa mataas na singil sa kuryente ay ang
pagpapatayo ng karagdagang coal-fired power plant upang magkaroon ng sapat na
supply at maiwasan na rin ang madalas na power interruption.
Mas
murang malayo ang coal-fired power plant kaysa mga tinatawag na renewable
sources of energy tulad ng solar power plant, windmill o geothermal plant.
Napag-alaman
na ang Korea Electric Power Company
(KEPCO) ay magpapatayo ng isa pang coal-fired power plant sa bayan ng
Sual na may generation capacity na
1,000-megawatts. Ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa
two billion US dollars.
Walang
problema sa pollution dahil gagamitan ang naturang planta ng modernong
teknolohiya na kung tawagin ay ang ultra-super critical coal-fired power plant.
Ito ay nagtataglay ng “High Efficiency Low Emission (HELE) Technology” na
babawasan ang greenhouse gas emission ng humigit-kumulang sa 45 percent.
Bukod
pa diyan, ang naturang proyekto ay magbibigay ng mahigit sa dalawang
libong trabaho sa mga mamamayan ng Sual
ang nasabing pangalawang coal-fired power plant.
Aabot
sa 400 million pesos ang kikitain ng bayan ng Sual mula sa real property taxes
na babayaran bawat taon ng operators ng nasabing proyekto. ###
No comments:
Post a Comment