By Mortz C. Ortigoza
MANGALDAN – Sinabi ng alkalde ng first class town na ito na maigting niyang pinatutupad
ang health and social welfare programs sa kanyang nasasakupan na isa sa pinakamayaman na bayan dito sa Pangasinan.
“Ang ating Mangaldan Infirmary at
Urgent Care Clinic na bukas ng bente kwatro oras, pitong araw sa buong linggo,
ay limang taon na rin pong nagbibigay serbisyo sa ating mga kababayan. Kasama
sa mga serbisyong naibigay at naipapamahagi ay ang emergency care at pagagamit
ng ambulansya,” ani Mayor Bonafe D. Parayno.
Mangaldan Mayor Bonafe D. Parayno hugs an old constituent in one of her sorties in the villages. The Parayno Administration has countless laudable programs for the elderly in the central Pangasinan town. |
Aniya wala ng nagbabawas sa kung saan saang palikuran
sa 30 barangays dahil sa programa na Zero Open Defecation ng Department of
Health na kung saan ang Municipal Health Office dito ay nagbibigay ng libreng
sanitary toilet bowls.
“Sa kasalukuyan, lahat ng 30
barangays ay na declare na zero open defecation as validated by the Department
of Health – Center of Health Development 1. Congratulations po sa ating
Municipal Health office!”
Talagang champion ang serbisyo ng Parayno Administration dahil sa tatlong
taon na sunod sunod na panalo nito sa national government ng Child Friendly Local Governance.
“For three consecutive years
2015, 2016, and 2017, agamuran tayo so Seal of Child Friendly Local Governance.
Maraming salamat po sa mga pangunahing opisina na nagpapatupad ng programang
ito, ang ating Municipal Social Welfare and Development Office through our MSWD
Officer, Mrs. Rowena C. de Guzman, at ang ating Local Council for the
Protection of Children”.
Ang local government unit dito ay naglaan ng milyon miyong peso kada taon
para sa feeding program, day care center para sa mga kabataan dito. Noong isang
taon si Mayor Parayno ay gumastos ng P2.34 million para dito.
“At ang pinakamalapit sa aking puso, ang ating mga senior citizens na
itinuturing kong pangalawang magulang, ay mahusay nating pinapamahagian sa
pagpapatupad ng mga programa para sa kanila, katulad ng social pension cash
pay-out na umabot na sa halagang mahigit P6 million sa taong ito".
Ani Parayno ang Unconditional Cash Transfer (UCT) para sa mga senior citizens dito ay muling nabigyan ng
mahigit P2 million.
Dagdag pa niya, ang mga sustainable livelihood programs na pinamahagi para sa mga
Pantawid Pamilyang Pilipino Beneficiaries ay ang mga sumusonod: “Bigasan na may 123 beneficiries sa halagang
P1.15 million, goat raising na may 163 beneficiaries sa halagang P3.26 million”.
READ MY OTHER ARTICLE:
No comments:
Post a Comment