By Mortz C. Ortigoza
SUAL – Nagsamasama ang
mga magkatunggaling kandidato sa bayan na ito, San Fabian, at Mangaldan para
ipakita sa publiko na sila ay tutupad sa hangarin na nakasaad sa Covenant of
Peace 2019 Mid Term Election ng Commission of Election.
Isa dito ay “refusal to
be part of vote buying, election violence, and any manner of corruption".
Sa isang pagtitipon
noong March 19 ay nagsamasama sa St. Peter the Martyr Parish Church sa
first class town na ito si Sual municipal candidate John Arcinue, vice mayoral
candidate Roberto Arcinue, ang complete ticket nila sa Sangguniang Bayan (SB)
(Legislative Body) at daan-daan nilang supporters na nakaupo sa loob ng isang bahagi ng simbahan at sa kabila naman
ay ang katungali nilang si Liseldo “Dong” Calugay at ilan sa mga kandidato nito sa SB.
SUPPORTERS - Clockwise from left photo below: Presence of
supporters of Sual mayoral and vice mayoral son and father tandem John and
Roberto Arcinue and their ticket during the Covenant of Peace held recently at the St. Peter the Martyr Parish Church.
Mayoral candidate John and rival Liseldo “Dong” Calugay lead their slate
in signing their pledge for a peaceful issue based mature election. The
comparison of the two parties that obviously show the bevy of supporters that
join the Arcinues while the absence of the same at the Calugay slate. (Photo
Credit: Sual Pang at Facebook)
|
“Iilan lang sila na nandoon. Hindi pa dumating ang vice
mayor nila,” ani
Mayor Roberto Arcinue sa kakaunting
supporters ni Calugay na nasa loob ng simbahan at ang nakapagtatakang hindi pag
dating ng vice mayoral candidate niya na si Donel Caburao.
Sa Mangaldan naman
nakitang nagbeso si mayoral challenger Marilyn Lambino kay reelective Mayor
Bonafe D. Parayno matapos silang pumirma sa Peace Covenant kasama ang kanilang
slate. Nakita rin ang dalawa na nag uusap sa harap ng pari sa loob ng St Thomas
Aquinas Parish Church noong March 16.
Ang tumatakbong kandidato
sa ilalim ng PDP-Laban Party ni Parayno ay sila reelective Vice Mayor Pedro “Jojo” Surdilla Jr..
Sa kampo naman ng Nationalist People’s Coalition ni Lambino sa pagka vice mayor
ay si former Vice Mayor Manny Casupang.
Sa pusisyon ng
Sangguniang Bayan sa ilalim ng ticket ni Parayno ang mga tumatakbo ay sila re-elective
councilors Baby Abalos, lawyer Joseph Cera, Jojo Quinto, Aldrin Soriano, lawyer
Johnny Cabrera, Bernabe Cervas, Arnel Fabia, at former League of Barangays
President Juvy Frialde.
Mga SB candidates naman
sa ilalim ng Lambino slate ay sina Bong de Vera, former councilor Joel
Meneses, Boy Cayabyab, Christopher Romero, Mabel Bautista, Magda Villanueva,
Rodolfo Elcano, at Mario de la Cruz.
WOMEN MAYORAL bets reelective Mangaldan mayor Bonafe D. Parayno (extreme left) and
challenger Marilyn Lambino lead their parties in signing recently the Covenant
of Peace inside the St Thomas Aquinas Parish Church. (Photo Credit: Ka Oca)
Naglaban din si Agbayani at si Irene Libunao, asawa ng dating alkalde, noong 2013 mayoral election at kanya itong tinalo sa isang landslide votes. Tinalo ni Agbayani si former mayor Libunao ng 24,383 votes versus 12,588 votes o 66% versus 34% noong 2016 poll.
REMATCH - San Fabian mayoral rivals reelective mayor Danny Agbayani
(extreme right ) and challenger comebacking mayorship bet Mojamito Libunao
(center). Agbayani thrashed Libunao, his ninong (godfather), in the 2016
mayoral poll. (Photo Credit: San Fabian Police)
Ang ibang minimithi ng Covenant of Peace ayon sa kanilang pledge ay “to elevate the level of maturity of the Filipino electorate by holding candidates to a law-abiding campaign based on the issues and not on personal attacks, and; To support the genuine and laudable effects of the winners for the benefit of the nation and good of all Filipinos.
READ MY OTHER ARTICLE:
GREED ALMOST COST THE LIFE OF A KAP
READ MY OTHER ARTICLE:
GREED ALMOST COST THE LIFE OF A KAP
No comments:
Post a Comment