Ni KITZ BASILA
WALANG nabanggit na halalan sa barangay, sa katatapos na State of the Nation Address (SONA), ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, noong July 24, sa Batasan Pambansa, na lunan ng Mababang Kongreso ng Pilipinas.
PINANOOD na may pagaabang sa ihahayag na magaganap na halalan, na naitakdang gawin kung matutuloy ay sa buwan ng Oktobre nitong taon na ito, makalipas na ‘teka muna’ noong nakaraang taon.
BULUNGBULUNGAN tuloy na baka raw ‘teka muna’ muli ang hakbang ng Duterte administration dahil sa mga sala-salaba’t na dahilan na may buhol-buhol na katwiran para di-matutuloy.
ANG TANONG, sinu-sino ang mga matutuwa? Papaano naman daw ang mga uma-aligaga? Eh, ang ilan na buwisit na sa siste at huwego ng konsehong-pasaway?
Abay! Swerteng konseho ni Kapitan, hinihinog ng paulit-ulit na pagpapaliban.
Kabayan, manaig sana ang makabuluhang katwiran kapag muli ay ipagpapaliban ang halalan pam-barangay sa taong ito.
Nawa ay ang ikabubuti ng mas nakararami ang sangkalan na dahilan. At manawari, ang kalugod-lugod sa mas nakararami ang lulutang na tugon nito.
IKAW, gusto mo bang halalan ay ganapin na sa taong ito?
No comments:
Post a Comment