SAN FABIAN, Pangasinan — Naipamahagi na ang ikatlong tranche ng Rice Subsidy Program para sa 2,083 benepisyaryo mula sa 34 na barangay ng San Fabian, matapos isagawa ang distribution ng alokasyon ng bigas kamakailan sa San Fabian Public Auditorium.
Kanya-kanyang kinuha ng mga kinatawan ng bawat barangay ang kanilang alokasyon para sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa kanilang nasasakupan. Matapos nito, isinagawa naman ng bawat barangay ang pamamahagi ng bigas sa kanilang mga benepisyaryo.
Pinangunahan ng Municipal Social
Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni Ms. Queenie Rose H.
Cabanlig, MSWDO Officer, ang koordinasyon sa distribusyon katuwang ang mga
barangay ng bayan.
Bawat kwalipikadong benepisyaryo ay
tumanggap ng 10-kilo ng bigas bilang bahagi ng ikatlong tranche ng programa.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga barangay volunteers at mga kabilang sa
vulnerable at marginalized sectors.
Ang mga benepisyaryo ay kabilang sa
mga naunang nakatanggap ng una at pangalawang tranche ng Rice Subsidy Program
sa ilalim ng programang “Bagong Pilipinas: Bawat Bayan Makikinabang.”
Ang Rice Subsidy Program ay
ipinatutupad sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
sa pamamagitan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at
pinopondohan ng Office of the President bilang bahagi ng mga hakbang ng
pamahalaan upang makapaghatid ng tulong-pagkain sa mga kwalipikadong
benepisyaryo.
Sa suporta ng Local Government Unit
of San Fabian sa pangunguna ni Mayor Marlyn E. Agbayani, patuloy na
naipatutupad ang mga programang naglalayong makatulong sa pang-araw-araw na
pangangailangan ng mga mamamayan, katuwang ang MSWDO at mga barangay.
(PIO San Fabian)
No comments:
Post a Comment