Ni Mortz C. Ortigoza
MANAOAG, Pangasinan – Puspusan ang
paghahanda ng mga kawani ng local na pamahalaan dito hinggil sa Abril 22 na
higanteng kaganapang Centennial Canonical Coronation of Our Lady of the Holy
Rosary of Manaoag.
Ayon kay Mayor Jeremy Agerico Rosario, abala ang mga medical at security team para sa inaasahang pagdagsa ng mga deboto, na tinatayang aabot sa humigit-kumulang isang milyon.