By Mortz C. Ortigoza
BASISTA, Pangasinan - Pinasinayaan kamakailan sa bayan na ito ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) sa pamumuno ni Police Director Col. Jeff E. Fanged at ni Basista Mayor Jolly R. Resuello ang “Pabahay at Palikuran ng Pulis” Project.
Ang “Pabahay at Palikuran” ay bahagi ng
5Ps o Patubig, Pailaw, Pabahay, Pantawag at Palikuran ni Juana na isang
impact project ng Police Regional Office-1 (PRO-1) na nakabase sa San Fernando
City, La Union.
Isa sa mga layunin nito ay ang pagsugpo ng
gobyerno sa problemang insurhénsiya sa bansa.
Dinaluhan ni Mayor Resuello, Col. Fanged,
Faith Based Community Advisers at iba pa ang Ceremonial Turn-Over ng Pabahay at
Gift Giving Activity na ginanap noong April 24, 2023 sa Brgy. Poblacion dito.
Ang programa ay alinsunod sa PRO1 Flagship Program na 5Ps na sinimulan ng
Basista Police Station sa ilalim ng pamumuno ni acting Police Chief Capt.
Hermie S. Raymundo.
Ang turn-over ng nasabing proyekto ay
tinanggap ni Mr. Rogelio Miranda, isang 59 taong gulang na solo parent na may
tatlong anak na nakatira sa ilalim ng kanyang pangangalaga at walang permanente
o matatag na trabaho para masuportahan ang mga pangunahing pangangailangan ng
kanyang mga anak.
Iginawad din ang Certificate of Appreciation para kay Ms. Anita DG Poquiz at sa mga Community Advisers.
Kasabay ng nasabing
aktibidad ay ang gift giving activity sa tatlumpu't tatlong pamilya mula sa
iba't ibang barangay ng munisipalidad bilang bahagi ng PNP Malasakit Program.
Isinagawa din ang pagbabasbas ng inisyu na
Basic Assault Rifle Galil Ace22N 5.56, ang landmark na PNP Gazebo at I Love PNP
Basista na pinangunahan ni Rev. Fr. Hernan Caronongan.
No comments:
Post a Comment