Progreso at paglakas ng ekonomiya ang pangako ni Governor
Ramon “Mon-Mon” Guico, III sa kanyang inagurasyon na ginanap sa The Sison
Auditorium, Lingayen nitong ika-29 ng Hunyo, 2022. Si Guico, na dating nagsilbi
bilang Punong Bayan ng Binalonan at Representante ng Ikalimang Distrito, ang
ika-31 na Gobernador ng Probinsiya ng Pangasinan.
Pangasinan Governor-elect Ramon Guico, III has formally
taken his oath before presiding judge of the Municipal Circuit Trial Court of
Binalonan and Laoac Judge Harriet Cabreros during his inauguration at the Sison
Auditorium in capital town Lingayen, Pangasinan on Wednesday. (Photos by Cesar
Ramirez) |
Kabilang sa mga naisakatuparan ni Guico bilang Alkalde ng
Binalonan ay ang pagpapatayo ng University of Eastern Pangasinan kung saan
libu-libong residente ang nakapag-aral ng libre dahil sa scholarship at
daan-daang estudyante ang nakatangap ng allowance na umabot ng P40,000 kada
buwan dahil sa Tertiary Education Subsidy Program ng Commission on Higher
Education.
Sa kanyang namang termino sa Kongreso, si Guico ay naging
may akda ng 119 Lower House Bills at naging daan sa pagsasakatuparan ng
kauna-unahang Philippine Zone Authority Industrial Park sa Pangasinan kasama
ang SUMI North Philippines Wiring Corporation na magbibigay ng aabot sa 12, 000
na trabaho sa taong 2025.
Gumawa rin ng kasaysayan si Guico bilang unang Congressman
na bumisita at nag-abot ng tulong sa 1,364 barangay sa 44 na bayan at 4 na
siyudad ng probinsiya.
Ang bagong Gobernador ay inaasahang mangunguna sa pagbabago
at progreso kasama ang Bise Gobernador Mark Lambino. Sila ang nanguna sa
grupong Alyansang Guico-Lambino (AGuiLa) na nagsimula ng “Lipad Pangasinan!” –
ang panawagan sa bawat Pangasinense na magkaisa para sa isang probinsiya na
maunlad at mataas ang nararating.
Matapos siyang makakuha ng 885, 272 na boto at ma-proklama
ng Commission on Elections bilang panalo, agad na nag-trabaho si Guico at
nakipag-pulong sa mga potensiyal na investors mula sa iba’t ibang bahagi ng
mundo. Nangunguna ang bagong Gobernador sa isang exploratory meeting para sa
Pangasinan Eastern Western Expressway na magpapabilis ng biyahi mula sa
silangan at kanluran Pangasinan at magpapayabong ng turismo sa probinsiya.
Nakipag-pulong na rin si Guico kay Arch. Felino “Jun” Palafox, kasama si noong
Bayambang Mayor Cezar T. Quiambao ukol sa master plan para sa Pangasinan.
Ipinakita naman ni Guico ang kanyang pagtutok sa sektor ng
kalusugan matapos siyang magkaroon ng diskusiyon kasama ang mga doctor at mga
pinuno ng iba’t ibang ospital sa lalawigan uko sa mga paraan at solusyon sa mga
isyung pangkalusugan ng mga Pangasinense.
Pantay-pantay na opurtunidad sa trabaho, mas mataas na sahod
ng mga manggagawa, modernisasyon sa sector ng agrikultura, scholarship at tulong
sa mga kabataan, pagtatayo ng mas maraming economic zones, pangangalaga sa
kapaligiran, pagpapapalakas ng turismo, tulong pangkabuhayan para sa mga
kababaihan, suporta sa LGBTQ+ community at mga senior citizen, mabuting
pamamahala, at pagpapalakas ng suporta sa basic social services – ang mga ito
ay ilan lamang sa mga prayoridad ng administrasyon ng bagong Gobernador ng
Pangasinan.
Mataas ang pangarap niya para sa probinsiya, subalit malaki
ang tiwala ni Gobernador Guico na habang siya ang piloto ng pagbabago at
progreso, at hangga’t nagkakaisa at nagtutulungan ang bawat Pangasinense, ay
matayog ang liliparin ng lalawigan ng Pangasinan.
No comments:
Post a Comment