By Mortz C. Ortigoza
“Buhay pa rin ang mga trolls dahil dito!”
ang shout-out ko sa aking post sa Facebook kamakailan noong makita ko ang news
sa isang pahayagan na ni veto ni President Rodrigo Duterte ang SIM Card
Registration Act.
Itong Act ay magbigay wakas sana sa mga mobile phone,
internet, o electronic communication initiated criminalities at paglubo ng
mapamuksa at mapanirang troll.
Ang dahilan sa pagsalungat ni Presidente Duterte ng matagal na sanang natapos na panukala na ito ay ang pagsingit ni Senator Franklin Drilon ng pagbigay ng bawat SIM user ng totoong pangalan nila sa social media gaya ng Facebook at Twitter.
A TROLL prepares to vent his vitriol to his defenseless victims. Photo credit: Mdlaw.com |
Ani acting Presidential Spokesperson Martin Andanar: Hindi
kasali iyon sa original version ng bill at kailangan pa ng masusing pag aaral
ayon kay Duterte.
Dapat malaman, ani Drilon, ang tunay ng pangalan ng gumagamit
ng social media at ng kanilang phone number para mawala na ang “anonymity” na
kung saan nagtatago ang mga fake accounts ng mga users.
Itong bill na ito ay magbigay tuldok sana sa mga
maliligayang araw ng mga trolls at mapapadali ang pag bigay solusyon sa dami ng reklamo sa pamamagitan ng cyber libels.
May panakulang parusa ang Act na ito na hindi baba sa “six years imprisonment, or a fine of up to
P200,000, or both” sa sino mang gagamit ng fictitious identity sa binili
nilang SIM (subscriber identity module) at paglagay ng pekeng pangalan sa social
media.
Hindi ko maarok kung bakit inayawan ni Presidente Duterte
ang magandang batas na ito.
Ang veto niya ay puwedeng e “over-turn” o kontrahin ng
two-third votes ng Senate at House of Representatives para tuluyan maging batas itong anti-troll bill kahit wala ang kanyang pirma ayon sa Section 27 (1) ng Article VI ng
Constitution.
Pero dahil sa mayorya ng miyembro ng Congress ay kaalyado
ng Presidente, nakikinita kong sa kangkungan ang bagsak nitong panukala.
READ MY OTHER BLOG:
No comments:
Post a Comment