By Mortz C. Ortigoza
URDANETA CITY, Pangasinan – Hindi makalimutan ng hepe ng
Bureau of Internal Revenue sa eastern Pangasinan si namayapang Tarlac Congressman Charlie Cojuangco, 58.
Ani Revenue District Office No. 6 Chief Maria Bernadette
Mangaoang – na kasalukuyang naka base dito - humihingi siya ng lupang donasyon
sa Paniqui, Tarlac na papatayuan sana nila ng BIR office doon noong siya pa ang
hepe.
Si Mangaoang ay RDO No. 17-B Chief ng BIR Tarlac noong 2020.
Hawak niya ang mga bayan ng San Manuel, Nau, Ramos, Pura, Gerona, Paniqui, Moncada, San Clemente, Camiling, Mayantoc, at Sta. Ignacia.
The spouses Tarlac Congressman Charlie and Czarina Maria
“China” Jocson-Cojuangco (left, photo) and Eastern Pangasinan Bureau of Internal Revenue
Chief Maria Bernadette Mangaoang.
“Kasi magaganda ang lupa kasi highway siya,” sabi ng hepe.
Hindi na nagawang e follow up ang lote ni Mangaoang dahil
ikinasal si Cojuangco kay Czarina Maria “China” Jocson noong Oktubre 2021.
Ngunit sinabi ng Congressman kay Mangaoang na ipapaalam niya
muna sa kanyang inang si Gretchen Oppen Cojuangco ang hinihiling na lupain ng
BIR.
“Papaalam ko muna kay
Mama kung pumayag siya,” sambit ng BIR chief sa sinabi ni Cojuangco.
Hindi niya nabalikan ang planong donasyon dahil siya ay
lumipat na dito sa Urdaneta.
Si Cojuangco ay namatay noong Pebrero 22. Hinde sinabi ng kanyang
doctor ang dahilan ng kanyang pagpanaw pero noong Oktubre ng nakaraang taon siya
ay nakitaan ng brain aneurysm.
“I loved my brother,”
ani dating Pangasinan Congressman Mark Cojuangco sa kanyang Facebook post sa kanyang
nakakabatang kapatid.
Sambit pa ni Mark, sa funeral mass ni Charlie sa Tarlac,
ipagpapatuloy niyang maging “best man” kahit siya ay nagyao na. Ang una ay best
man ni Charlie sa kasal niya kay China noong Oct. 10, 2021 sa San
Sebastian Cathedral sa Tarlac City.
Dagdag pa ng nakakatandang kapatid, nakita ng pamilya
Cojuangco kung gaano kasaya si Charlies noong naging mag-asawa sila ni China.
Ang dalawang Cojuangco ay anak ng yumaong dating San
Miguel Corporation Chairman at dating Tarlac Governor Eduardo “Danding”
Cojuangco, Jr.
Ani ni Mangaoang bukod sa planong hinging lupain ng mga Cojuangco merong donor
na nagbigay ng 1, 200 square meters’ lot sa BIR sa Gerona.
Aniya maganda rin doon kasi may plano ang SM Investments
Corporation na magpatayo ng mall nila sa lupang nabili ng korporasyon.
Giit pero ni Mangaoang na mas maganda ang Paniqui dahil plastado na ang tax office doon.
Sinabi pa niya na baka makasali sa government center ang
BIR- Tarlac pag natuloy ang plano ni Gerona Mayor Eloy C. Eclar.
“Si Mayor Eclar nag open
na din ng lupa. Kasi may gagawin siyang government center. O di madami ng lupa?,”
ani Mangaoang sa writer na ito.
Kumpara sa mga loteng sinabi ni Mangaoang mas malaki pa rin ang lupang donasyon ni Pozurrubio Vice Mayor Ernesto Go sa BIR RDO-6 dito sa Urdaneta kaysa doon sa binibibay sa Tarlac.
Si Go – isang malaking negosyante dito - ay nagbigay ng
2,000 square meters sa gobyerno para gamitin ng RDO-6 dito.
No comments:
Post a Comment